Pagtutuloy ng PAMANA: Oryentasyon para sa Ika-Pitong Batch ng MALLP

Ginanap ang oryentasyon para sa ika-pitong batch ng Master-Apprentice Language Learning Program (MALLP), isang programang nakatuon sa muling pagbuhay at pagpapanatili ng katutubong wika sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga kabataan at mga mamamayan.

Ito ay pinangunahan ng Bataan Provincial Tourism na patuloy na sumusuporta sa mga inisyatibong pangkultura at pangwika ng lalawigan. Layunin ng programang ito na ipasa mula sa mga mas nakatatanda (Masters) patungo sa mga kabataan (Apprentices) ang kaalaman sa wika, kultura, at mga tradisyon ng kanilang komunidad sa pamamagitan ng masinsinang at makabuluhang ugnayan at pagkatuto.

Photos

Other Articles