Enero 11, 2022 nang ginanap ang Birtwal na pagdiriwang ng Ika – 265 na taong pagkakatatag ng Bataan bilang lalawigan. Tampok sa birtwal na pagdiriwang ang mga nagwagi sa mga patimpalak para sa mamamayang Bataeño.
Ang mga patimpalak ay Kulinarya sa Bataan kung saan nasaksihan ang husay ng mga Kabataang Bataeño sa pagluluto ng mga pagkain na ang pangunahing sangkap na ginamit ay salted egg at ang Madulang Pagkukwento ng pinagmulan ng mga bayan sa Bataan na sinalihan ng mga kabataang Bataeño na nasa ika-anim na baitang.
Ang paghuhurado sa mga aktibidad na ito ay ginanap noong ika-apat ng Enero. Ang Bataan Hymn Chorale Competition tampok ang ginintuang himig ng mga koro mula sa iba’t-ibang bayan sa awiting Bataan March ay ginanap noong ika-lima ng Enero.
Ilan din sa mga patimpalak ay para sa mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan at ng mga Lokal na Pamahalaan sa bawat bayan. Ito ay ang Game ka na ba sa Bataan noong ika-lima ng Enero, Birtwal na Karera ng 1Bataan noong ika-anim ng Enero, at ang Laro ng Lahi noong ika-pito ng Enero kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang angking talino, liksi, at husay sa pagsagot sa mga katanungan at pagsubok.
Ang mga nanalo sa bawat patimpalak ay ang mga sumusunod:
Kulinarya sa Bataan:
1st Place - Municipality of Orani - Maria Rafaella Sicat
2nd Place-Municipality of Limay - Hiezel P. Delos Reyes
3rd Place - Municipality of Pilar - Andrei Vladimir Gomez Tallorin
Madulang Pagkukwento (Story Telling Competition) :
1st Place - Municipality of Orani - Ayessa V. Enriquez
2nd Place- Municipality of Dinalupihan - Stephanie Joy Basilio
3rd Place- Municipality of Morong - Lan Rojan P. Calma
Bataan Hymn Chorale Competition:
1st Place - Municipality of Pilar - Pilar Parish Choir
2nd Place - City of Balanga - Canticles Music Ministry
3rd Place - Municipality of Morong - Morong Youth Choir
Game ka na ba sa Bataan?:
1st Place - Violet Team (IAS, OSM PGO and Admin, BPPP-IC, PESO)
2nd Place - Green Team ( PG-ENRO, VET, PHRMO, OPA, TREASURY, ASSESSOR)
3rd Place - Pink Team (PDRRMO, PEO, PPDO, GSO/BAC, CSIU, POPCOM)
Birtwal na Karera ng 1Bataan:
1st Place - Municipality of Limay - Frances Faye Fernando & Elaine Mercado
2nd Place - Municipality of Pilar - Kevin Paul C. Ramos & Edgar Joseph Hervie Q. Sevilla
3rd Place - Municipality of Orani - Juliet Allegra A. Blanas & Rizal Ali E. Tala
Laro ng Lahi:
1st Place - Violet Team (Housing, Legal, PESO, BPPPIC, Iskolar, MIS, PIO, PGO/Admin)
2nd Place - Pink Team (PPDO, POPCOM, PDRRMO, PEO, GSO/BAC, CSIU)
3rd Place - Blue Team (MDH, JCPMH, ODH, PHO, BCMH)
Ginanap rin ang Ipagmalaki mo ika’y Bataeno Raffle na ginanap noong ika-tatlo hanggang ika-lima ng Enero upang magbigay kasiyahan at kaalaman sa mga Bataeno. Ang raffle ay nagkaroon ng iba’t-ibang katanungan tungkol sa lalawigan na sinagutan ng mga lumahok sa pamamagitan ng Google Form. Nagkaroon ng tig-sampung nanalo sa Easy, Average, at Difficult Round.
Natunghayan din sa Birtwal na pagdiriwang ang nakamamanghang pagtatanghal ng Tanghalang Tatsulok na pinamagatang Vatan: Alamat ng Bataan. Tampok sa pagtatanghal ang alamat ng isang mabuting pinuno na nagbalik tanaw sa pahina ng kasaysayan ng lalawigan ng Bataan.
Tunay ngang kahit mayroong hamon sa pamayanan ay patuloy parin ang pagtuklas at pagmamahal ng bawat Bataeño sa kasaysayan at kultura ng Bataan.
“Hamon sa kalusugan, pagtatagumpayan ng makasaysayang lalawigan ng Bataan”
{gallery}/tourism_articles/2022/FoundationDay{/gallery}