Alinsunod sa Republic Act No. 8491, ipinagdiriwang ang Pambansang mga Araw ng Watawat o National Flag Days tuwing Mayo 28 hanggang Hunyo 12 ng bawat taon. Ito ay bilang pagbibigay pugay sa Pambansang Watawat ng Pilipinas.

Hinihikayat ang lahat ng mga tanggapan, ahensya ng pamahalaan, mga establisimiyento, institusyon ng pag-aaral at mga pribadong tahanan na mag lagay ng watawat ng Pilipinas sa kani-kanilang mga pasilidad.