Buwan ng Pambansang Pamana 2025: Kapitolyo sa kasaysayang pampulitika ng bansa — mga unang nalagakan ng panandang pangkasaysayan
Sa pagwawakas ng Buwan ng Pambansang Pamana, tampok sa seryeng ito ang mga unang Kapitolyo ng mga lalawigan na kinilala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas (NHCP) sa pamamagitan ng mga panandang pangkasaysayan o pahayag bilang Pambansang Palatandaang Makasaysayan. Sa lente ng kasaysayang pampulitika, ang mga Kapitolyo ay hindi lamang gusali kundi espasyo ng pamumuno at kapangyarihan, na nagsilbing sentro ng kolonyal, rebolusyonaryo, at republikang pamahalaan sa mga lalawigan.
Mula sa panunungkulan ng mga alkalde mayor, gobernador sibil, at mga lider ng rebolusyon, hanggang sa muling pagtatatag ng demokrasya pagkatapos ng digmaan—ang mga istrukturang ito ay tahimik na saksi sa mahahalagang yugto ng pamahalaang Pilipino.
Ang mga larawang tampok sa serye na ito ay nagpapakita ng sampung makasaysayang gusaling Kapitolyo (o probisyunaryo) na unang kinilala ng Komisyon bilang mahalagang bahagi ng kasaysayang pampamahalaan ng bansa.

1. Kapitolyo ng Bataan
Orihinal na itinayo bilang Casa Real ng Bataan sa ilalim ni Alcalde Mayor Domingo de Goyenchea mula 1792 hanggang 1794. Nasira ito sa mga lindol noong 1852 at 1854, at isinailalim sa mga pagsasaayos noong 1854, 1869, 1880, at 1885. Mula Mayo 31, 1898 hanggang Enero 1900, nagsilbi itong punong-tanggapan ng Rebolusyonaryong Pamahalaan ng Bataan. Mula 1903 hanggang 1906, naging tahanan din ito ng Mataas na Paaralang Panlalawigan.

2. Kapitolyo ng Zambales
Itinayo ng Pamahalaang Kolonyal ng Espanya mula 1875 hanggang 1878, ang gusali ay orihinal na ginamit bilang Panlalawigang Piitan noong panahon ng mga Kastila. Noong 1899, ito ay naging Pangkalahatang Himpilan ng Rebolusyonaryong Pamahalaan ng Zambales. Matapos ang muling pagsasaayos ng harapan ng gusali noong 1939, nagsilbi na itong opisyal na Kapitolyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales.

3. Price Mansion, Tacloban
Itinayo noong 1910, ang gusali ay dating pag-aari ni G. Walter S. Price at ng kanyang asawa. Sa panahon ng Kampanya sa Pilipinas ng Allied Forces noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ito ay pansamantalang ginamit bilang Kapitolyo ng Philippine Commonwealth mula Oktubre 20 hanggang 23, 1944. Naiwasan ni Heneral Douglas MacArthur ang matinding pinsala nang tamaan ng bombang Hapon ang bubong ng silid na kanyang tinutuluyan noong Oktubre 20, 1944.

4. Kapitolyo ng Leyte
Ang Panlalawigang Kapitolyo ng Leyte ang nagsilbing punong tanggapan ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas mula Oktubre 23, 1944 hanggang Pebrero 27, 1945. Noong Oktubre 23, 1944, nanumpa si dating Pangalawang Pangulo Sergio Osmeña bilang Pangulo ng Philippine Commonwealth sa hagdanan ng gusali sa harap ni Heneral Douglas MacArthur, na sinaksihan ng mga miyembro ng Gabinete, puwersa ng Allied Forces, at mga bagong layang Pilipino.

5. Kapitolyo ng Quezon (Tayabas)
Itinayo bilang Kapitolyo ng Tayabas noong 1908 sa lupang ipinagkaloob ni Abogado Filemon E. Perez. Ginawang konkreto ang gusali alinsunod sa Public Act No. 1637. Pinalawak ito mula 1930 hanggang 1935 sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Maximo Rodriguez. Nasira ang gusali noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at naipagawa muli sa bisa ng Tydings Act noong Abril 30, 1946. Sa bisa ng Republic Act No. 14, pinangalanan itong Quezon Provincial Capitol noong Setyembre 7, 1946.

6. Kapitolyo ng Negros Occidental
Ang orihinal na Kapitolyo ng Negros Occidental ay nasa lumang bahay na ipinagkaloob ni Jose Ruiz de Luzuriaga sa kanto ng Daang Luzuriaga at Araneta. Ang kasalukuyang gusali ay dinisenyo ni Arkitekto Juan Arellano noong 1927 at natapos noong 1933 sa ilalim ni Gobernador Jose Locsin. Itinuturing itong mahalagang halimbawa ng gusaling pampamahalaan at arkitektura noong unang bahagi ng ika-20 siglo sa panahon ng mga Amerikano. Ipinahayag itong Pambansang Palatandaang Makasaysayan noong Hulyo 19, 2004.

7. Kapitolyo ng Cebu
Ang dating Kapitolyo ng Cebu ay matatagpuan sa harap ng kasalukuyang Plaza Independencia. Nasakop ito ng mga rebolusyonaryong Pilipino noong 1898 at ng mga puwersang Amerikano noong 1899. Ang kasalukuyang gusali ay dinisenyo ni Juan Arellano at itinayo noong Disyembre 1936. Pinasinayaan ito ni Pangulong Manuel L. Quezon noong Hunyo 14, 1938. Isang halimbawa ito ng gusaling pampamahalaan mula sa panahon ng Komonwelt. Idineklara itong Pambansang Palatandaang Pangkasaysayan noong Hunyo 9, 2008.

8. Casa Real ng Iloilo
Ang Casa Real ng Iloilo ay itinayo noong panahon ng mga Kastila, yari sa kahoy at bato. Naging Kapitolyo ito nang maitatag ang Pamahalaang Sibil ng Iloilo noong Abril 11, 1901, sa ilalim ni Gobernador Martin T. Delgado (1901–1904). Ginamit ito ng mga Hapones mula 1942 hanggang 1945. Naayos ang ilang bahagi ng gusali noong dekada 1960. Nasunog ito noong Nobyembre 4, 1998 at muling naipagawa. Mula 1901 hanggang 2001, naging sentro ito ng pamahalaang panlalawigan ng Iloilo.

9. Kapitolyo ng Ilocos Norte
Ang Kapitolyo ng Ilocos Norte ay dinisenyo ni Ralph Harrington Doane at itinayo mula 1917 hanggang 1925 sa pangangasiwa nina Jose Paez at Tomas Mapua. Noong Disyembre 12, 1941, dumating ang mga Hapones sa Laoag, dahilan upang lumikas si Gobernador Roque Ablan at ituloy ang pamahalaan sa kabundukan ng Maananteng, Solsona. Pinalaya ang Laoag ng 15th Infantry Regiment ng United States Army Forces in the Philippines–Northern Luzon noong Pebrero 13, 1945. Isinaayos ang gusali noong 1957 at pinasinayaan ito ni Pangulong Carlos P. Garcia noong Disyembre 27, 1958. Inilagay ang marker bilang bahagi ng ika-200 anibersaryo ng Ilocos Norte (1818–2018).

10. Kapitolyo ng Sorsogon
Noong 1902, ang tahanan ng angkang De Vera ang nagsilbing pansamantalang opisina ni Gobernador Bernardino Monreal. Itinayo ang Kapitolyo ng Sorsogon mula 1915 hanggang 1917 sa ilalim ni Gobernador Victor Eco, kasabay ng gusaling hukuman at panlalawigang piitan. Pinamahalaan ito nina Arkitekto George Fenhagen at Ralph H. Doane.
Other Articles
-
Balik Pawikan
Balik Pawikan is here! This November 27, sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Morong, sama-sama tayong babalik sa kalikasan para kilalanin, alagaan, at ipagdiwang ang ating mga pawikan.Mula sa Eco-Fun Walk sa umaga, Eco Pledge Wall kung saan maaari kang mag-iwan ng pangakong para sa kalikasan, hanggang sa masining na Art Festival
-
Pawikan Festival 2025 Traffic Advisory
Para po sa ating mga kababayan, kaugnay ng Pawikan Festival Creative Dance Competition 2025, asahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Capitol Drive sa November 26 (Wednesday), mula 3:30 PM hanggang 4:30 PM. Ang parada ay magsisimula sa Cathedral Shrine and Parish of St. Joseph at magtatapos sa Bataan People’s Center. Maraming salamat po
-
Day 4 of Pawikan Environmental Forum Reaches Students in Balanga, Pilar, and Orion
The province-wide Pawikan Environmental Forum continued last November 20, 2025, reaching more young learners at Tortugas Integrated School in the City of Balanga, Balut Elementary School in Municipality of Pilar, and Capunitan Elementary School in Municipality of Orion.With every new community the program reaches, we continue to raise awareness and inspire shared responsibility for the
-
Mt. Samat National Shrine is closed temporarily
Mt. Samat National Shrine will be closed to walk-in guests on Saturday, November 29, 2025, for the “Youth at the Summit” event. A large number of participants is expected, and vehicles will not be allowed to drive up to the Shrine for safety and traffic management. We apologize for the inconvenience and thank you for
-
Pawikan Night Patrol
Join us this November 27, at 7:00 PM, at the Pawikan Conservation Center, Brgy. Nagbalayong, and Sagip Pawikan, Sitio Fuerte, Brgy. Poblacion, Municipality of Morong.Experience a unique night adventure where you’ll see pawikan laying eggs, learn how to protect their nesting sites, and be part of Bataan’s conservation efforts.Together, let’s make a difference and help
-
Balikan natin ang saya at energy ng Pawikan Creative Dance Competition 2024!
Kung na-miss niyo ang makukulay na performances last year, ito na ang perfect time para ma-feel ulit ang hype, dahil mas kapanapanabik, mas malikhain, at mas pasabog ang nakahanda para sa Pawikan Creative Dance Competition 2025.This year, abangan ang fresh choreography at mga bagong music mula sa iba’t ibang mga bayan at lungsod at ang
-
Pawikan Festival Creative Dance Competition
Handa na ba kayo, Bataan?Ihanda na ang inyong cheer at energy dahil muling magtatanghal ang mga natatanging mananayaw mula sa ibat’ ibang bayan at nag-iisang lungsod ng Bataan! Sa bawat indak at bawat kwentong isinasayaw, mabubuhay ang kulay, kultura, at malasakit para sa ating minamahal na Pawikan.Taon-taon, mas nagiging inspirasyon ang kompetisyong ito, hindi lamang
-
The Pawikan Quiz Bee
Who’s ready for another year of brilliant minds and big heart for nature?The Pawikan Quiz Bee is happening on November 24–25 at the Bataan Tourism Pavilion, City of Balanga!Elementary, junior high, and senior high students from across Bataan will once again gather to test their knowledge, celebrate learning, and champion the protection of our Pawikan.
-
Bataan Tourism Park Announcement
Mabuhay! Exciting things are happening at Bataan Tourism Park! The park will be temporarily closed starting November 22 for regular maintenance and preparations for our magical Christmas Lighting Ceremony. We’ll reopen on December 1. Thank you for your understanding, and we can’t wait to welcome you back soon! Other Articles Come and Join us FOLLOW
-
Pawikan Enviromental Forum
Nawa’y marami pong natutunan ang ating mga kabataang mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng mga pawikan matapos ang isinagawang Pawikan Environmental Forum sa piling paaralan sa Bataan.Marami pa po tayong inihandang mga gawain para sa nalalapit na Pawikan Festival sa ika-29 ng Nobyembre sa Pawikan Conservation Center sa Morong. Para sa mga nagnanais makilahok, magpadala lamang
Come and Join us

FOLLOW US ON




































