Community Language Planning Workshop para sa Ayta Magbukun

Pagbuo ng Kapasidad: Programang Bahay-Wika at Master Apprentice Language Learning Program – Muling pagpapasigla ng mga Nanganganib na Wika

Isinagawa ang isang araw na capacity building para sa pagpapatibay ng wikang Ayta Magbukun na binubuo ng tatlong mahalagang bahagi: ang pag-uulat at ebalwasyon ng resulta ng ika-anim na batch ng Bahay-Wika, ang pormal na paglulunsad ng Ortograpiyang Ayta Magbukun at Hinup booklet bilang bagong kagamitang panturo, at ang Community Language Planning Workshop kung saan sama-samang bumuo ng konkretong mga hakbang ang mga guro, magulang, elder, at lider ng komunidad upang mapanatili at maisalin ang wika sa susunod na henerasyon.

Pinangunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) katuwang ang Provincial Tourism Office sa pagsasagawa ng gawaing ito, bilang bahagi ng mas malawak na adbokasiya para sa preserbasyon at pagpapasigla ng mga katutubong wika sa Pilipinas.

Photos

Other Articles