English:
BATAAN DEATH MARCH BOXCAR
The boxcars were mute witnesses to the ordeal and valor of the Bataan Death Marchers, reminders of the grimness of war, and the ruthlessness of man against his fellowman. The boxcars were cargo trains ran by the Manila Railroad Company before the war.
Each wagon, made of wooden walls and galvanized iron roof, was ventilated only through a small window. It was a virtual furnace for the 150 – 160 POWs packed standing in the big ones, and 50 – 60 in the small ones. Furthermore, the floors were smeared by feces, urine and vomit of dysentery victims. Many perished by suffocation unnoticed. They dropped to the floor when the doors of the trains were opened in Capas.
Tagalog:
BATAAN DEATH MARCH BOXCAR
Saksi ang bagon sa paghihirap at kabayanihan ng mga biktima ng Bataan Death March. Isa itong ala-ala ng lagim ng giyera at sa kasamaan ng tao sa kanyang kapwa. Buhat sa Mariveles at Bagac, lumakad nang may 105 kilometro sa gitna ng init ng araw ng Abril ang mga sumukong sundalong Pilipino at Amerikano, kasama ang ilang sibilyan. Tumuloy sila sa istasyon ng tren sa San. Fernando, Pampanga kung saan isinakay sila sa mga bagon patungong Prison Camps sa Capas, Tarlac.
Ang bagon ay pangkargamentong sasakyan ng Manila Railroad Company bago sumiklab ang digmaan. May dingding na tabla at yerong bubong, pinilit na isakay ng mga Hapon ang 150 – 160 katao na nakatayo sa malalaking bagon 50 – 60 naman ang isiniksik sa maliliit na bagon, kaya hindi makaupo ang mga nakasakay. Isang maliit na puwang lamang sa pinto ng bawat bagon ang daanan ng hangin, kaya mistulang pugon ito. Bukod dito, napuno ng dumi, ihi at suka ng mga may disenterya ang mga sahig nito. Marami ang nasawi habang nakatayo sa bagon.
Come and Join us
FOLLOW US ON