English:
HOSPITAL 1 AND HOSPITAL 2 IN BATAAN
On December 22, 1941 a team of doctors and nurses were evacuated from Manila to Bataan. An emergency hospital aptly called Hospital One was built in Limay. Several of the evacuated army physicians and nurses, both Americans and Filipinos, were assigned to Hospital One. On December 26, 1941, it started receiving its first 212 patients – soldiers wounded in various battles in Central Luzon, mostly in Pangasinan and Tarlac. Hospital One holds the record of having operated the most number of war casualties on January 16, 1942. Within 24 hours, it performed 187 major surgical operations – five times more than those in any hospital in the United States at the time.
The Japanese bombed places near Hospital One after New Year of 1942. Thus the USAFFE was forced to transfer their hospital equipment and patients to Hospital Two (the Jungle Hospital) in an open area in Kilometer Post 155, Cabcaben, Mariveles on January 25, 1942.
Tagalog:
HOSPITAL NO. 1 AT HOSPITAL NO. 2 SA BATAAN
Ika-22 ng Disyembre, 1941 nang simulang ilikas ang isang pangkat ng mga dodoktor at narses buhat sa Maynila patungong Bataan. Noong ika-24 ng Disyembre, ginawang base hospital ang barracks sa Limay, Bataan. Nakilala itong Bataan Hospital No. 1.
May kapasidad ito na isang libong higaan at 50 kw na generator para sa suplay ng kuryente at tubig. Noong ika-16 ng Enero, 1942 – naitala sa Hospital No. 2 ang pinakamaraming operasyon ng mga sugatang sundalo; sa loob ng bente kuwarto oras ay isandaan at walumpu’t pitong (187) “Major Surgical Operations” ang naisagawa – na higit pa sa limang ulit na bilang sa mga operasyon na ginagawa sa alinmang ospital sa Amerika nang nasabing panahon.
Matapos ng isang matahmik na selebrasyon ng Bagong Taon 1942, nagsimulang magbagsak ng bomba ang mga Hapon malapit sa kinakatayuan ng Hospital 1.
Kaya humanap ng panibagong lugar para sa ospital na malayo sa panganib ng pag-atake ng mga Hapones. Sa kagubatan ng Cabcaben, Mariveles – Kilometer Post 155 na kilala bilang “Little Baguio” dahil sa malamig nilang klima naitayo ang Hospital 2. Noong ika-24 ng Enero 1942, inilipat ang mga gamit, mga doktor, narses at mga pasyente sa Hospital No. 2 sa pamumuno ng kanilang Commanding Officer na si Dr. James Duckworth. Ilang Pambusco bus ang ginawa nilang malalaking ambulansya upang maisakay ang mga pasyente at mailipat sa “Hospital No. 2” sa Cabcaben. Bakbak ang mga takip nito sa gilid upang malayang dumaloy ang hangin at mas madaling ilabas ang mga pasyente kung sakali man na umatake ang mga sundalong Hapones.
Come and Join us
FOLLOW US ON