Diorama

English:

SURRENDER SITE MARKER

This monument commemorates the exact location where Filipino and American soldiers surrendered after months of relentless battle against the 14th Imperial Japanese Army in April 1942. Facing overwhelming odds, they chose to save their remaining lives rather than face total annihilation. Maj. Gen. Edward P. King Jr. of the United States Forces in the Philippines (USFIP) made the difficult decision to surrender all troops and weapons in Bataan to prevent further loss of life. He stated: “No one surrenders but me. If anyone is to blame, it’s me and me alone.

I ordered you to surrender. You did nothing but follow orders.” Accompanied by his staff, Col. Everett C. Williams, Maj. Wade R. Cothran and Maj. Achille C. Tisdelle, Maj. Gen. King faced Col. Motoo Nakayama, Senior Operations Officer of Gen. Masaharu Homma, to formalize the surrender. More than 75,000 soldiers endured the harrowing Bataan Death March to Capaz, Tarlac. In the subsequent years of brutal Japanese occupation, over 180,000 civilians and soldiers joined guerrilla forces across the country, continuing the resistance. On February 21, 1945, with the support of the American Liberation Forces and local fighting units, the Japanese forces were defeated, and the Philippines reclaimed its independence.

Tagalog:

SURRENDER SITE MARKER

Ang monumentong ito ang palatandaan ng eksaktong lugar kung saan ang mga Filipino at Amerikanong sundalo ay sumuko sa huling sandal at pinili nilang sagipin ang mga nalalabing buhay kaysa tuluyang kitlin ng digmaan. Sumuko sila sa 14th Imperial Army ng Hapones noong Abril 1942 sa pangunguna ng kanilang commanding officer matapos ang tatlong buwang walang humpay na paniniil ng mga mananakop. Si Maj. Gen. Edward P. King Jr. ng United States Forces in the Phils (USFIP) sa Bataan ang nagpasya na isuko ang lahat ng yunit ng kanyang mga sundalo pati na ang mga armas upang maiwasan ang patuloy na pagkawala ng marami pang mga buhay. Sinabi ni Maj. Gen. King na: walang ibang sumuko kundi ako.

Kung mayrong dapat sisihin, ako at ako lamang. Inutusan ko kayong sumuko. Wala kayong ginawa kundi sumunod lamang sa utos. Kasama ang kanyang mga tauhan na sina Col. Everett C. Williams, Maj. Wade R. Cothran at Maj. Achille C. Tisdelle buo ang loob na hinarap ni Gen. King si Col. Motoo Nakayama na Senior Operations Officer ni Gen. Masaharu Homma. Mahigit sa 75,000 sundalo ang kinailangang tiisin ang malupit at kahindik-hindik na Death March patungong Capaz, Tarlac. Sa loob ng ilang taon ng malupit na pananakop ng mga Hapones, mahigit sa 180,000 sibilyan at mga sundalo ang sumapi sa mga gerilya sa buong bansa at patuloy na nakipaglaban.
Noong ika -21 ng Pebrero, 1945, sa tulong ng American Liberation Forces, natalo ang mga Hapones at tuluyang nabawi ng mga Pilipino ang kanilang kalayaan.

Come and Join us

Upcoming events