Ang Panlalawigang Tanggapan ng Turismo ng Bataan ay lubos na nagdadalamhati sa pagkawala ng isa sa mga kaibigan, kasama, at haligi ng pagpapalawig ng sining at kultura sa lalawigan na si G. Alexander Lacson Quizon.
Si G. Al ay isang pintor, iskultor, at aktibong nakibahagi sa mga samahan tulad ng Bataan Artist Society, Sining at Kultura ng Bataan (Siklab), at Guhit Pinas - Bataan Chapter. Sa pagnanais ni G. Al na mapalawig ang kaalaman at pagpapahalaga sa sining, siya ay nanguna sa mga selebrasyon ng Buwan ng Sining at siya rin ay libreng nagbahagi ng kanyang talento sa visual arts sa pamamagitan ng paglulunsad ng Art Workshops sa iba't-ibang panig ng Bataan. Maraming salamat sa lahat ng iyong ibinahaging obra, inspirasyon at talento Sir Al!