Musika ng Kalayaan at Pasasalamat Handog ng Team 1Balanga at 1Bataan

Bataeños, handa na ba kayong makisaya at maki-sing along? Bilang pasasalamat sa inyong patuloy na suporta at pagdiriwang sa Araw ng Kalayaan, magkakaroon po tayo ng free concert.
Ang concert na ito ay handog nina Mayor Francis at Mayora Raquel, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Balanga, Cong. Jett ng Pusong Pinoy Partylist kasama ang buong Team 1Bataan. Isang gabi ng world-class performances sa direksyon ni John Prats tampok sina:

  • TJ Monterde
  • Kristine KZ Tandingan
  • Yeng Constantino
  • Erik Santos
  • Sam Milby
  • Kyla
  • Jason Dy
  • Zephanie
  • Empoy

Magkita-kita po tayo sa Linggo, ika-8 ng Hunyo, sa Bataan People’s Center sa ganap na 8:00 ng gabi. Libre po ang concert na ito para sa lahat. Dahil sa pabago-bagong panahon at pag-ulan sa ating lalawigan, minabuti po nating sa Bataan People’s Center na natin ganapin ang ating concert. Abangan sa Huwebes, ika-5 ng Hunyo, ang mga detalye at paalala tungkol sa ating pasasalamat concert, manatiling nakaantabay sa ating social media pages. Kita-kits, Bataeños!

Photos

Other Articles