Pagbibigay Lektura Para Sa Kasaysayan Ng Bataan

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-269 Bataan Foundation Day, inaanyayahan ang publiko sa Bataan History Symposium, isang makabuluhang pagtitipon na naglalayong balikan, unawain, at ipagmalaki ang kasaysayan ng ating lalawigan.
Tampok sa programa ang lektura ni Cornelio R. Bascara, Ph.D. mula sa University of Santo Tomas Graduate School of Arts and Letters, na magbibigay ng mas malalim at makabuluhang pananaw sa mga kuwentong humubog sa pagka-Bataeño. Magiging mas makulay din ang programa sa pagtatanghal ng Rondalla Romano, na magbibigay-buhay sa kasaysayan sa pamamagitan ng musika.
Gaganapin ang Bataan History Symposium bukas, Enero 8, 2026, alas-9 ng umaga, sa Vista Mall Bataan sa Lungsod ng Balanga. Sa pag-alala sa ating pinagmulan, mas pinagtitibay natin ang diwa ng kabayanihan at pagkakakilanlan ng Bataan. Ipagmalaki ang pinagmulan, ipagdiwang ang kabayanihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Other Articles