Pagdiriwang ng Buwan ng Kalutong Filipino

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kalutong Filipino, matagumpay na isinagawa ng Provincial Tourism Office ng Bataan ang KAINCON (Kain Convention) noong Abril 25, 2025.
Lumahok dito ang mga college students mula sa iba’t ibang paaralan sa lalawigan, at pinalalim nila ang kanilang kaalaman sa pamamagitan ng mga aral na ibinahagi ng mga panauhing tagapagsalita na sina G. Guillermo G. Ramos Jr., na tinalakay ang Pangunahing Konsepto sa Gastronomiyang Pilipino, at Bb. Cela Rose Garcia, na nagbahagi tungkol sa Kontribusyon ng Sining ng Pagluluto sa Promosyon ng Destinasyon.

Buwan kalutong Filipino

Kasabay ng KAINCON ang awarding ng Food Trip Vlog Competition at Kultura sa Kusina. Pinarangalan ang mga natatanging kalahok na nagpakita ng husay sa paggawa ng vlogs at sa pagluluto ng pagkaing nagpapahayag ng kulturang Pilipino. Ang mga nagsilbing hurado para sa dalawang kumpetisyon ay sina Candice Anne B. Hermoso, Ruston O. Banal Jr., at Bernadeth B. Gabor, Ed.D.

Mga Nagwagi:
Food Trip Vlog Competition:
🥇 1st Place – Municipality of Abucay – Justine R. Lingal
🥈 2nd Place – Municipality of Bagac – Reden Alfonso Bantugan
🥉 3rd Place – Municipality of Orion – Janna Mae O. Palad
Kultura sa Kusina: Lutong Bataeño:
🥇 1st Place – Municipality of Limay – Sunshine Joy Santisima
🥈 2nd Place – Municipality of Hermosa – Marie Lourence Eguia Sinongco at Constante B. Rigpala
🥉 3rd Place – Municipality of Dinalupihan – Analiza B. Senso at Samara Jane S. Abraham
Sa bawat pagkain na inihain, sa bawat kwento ng kultura na ibinahagi, at sa bawat kabataang nagpakita ng malasakit sa ating sariling pagkaing Pilipino, natutunan natin na ang tunay na yaman ng Bayan ay nasa mga taong may malasakit at dedikasyon. Sa mga kabataan ng Bataan, ang kinabukasan ng ating kultura ay nasa inyong mga kamay at patuloy na magsisilbing inspirasyon sa mga susunod pang henerasyon.

Photos

Other Articles