Pagtaas ng bilang ng mga bumibisita sa Bataan

Patuloy po ang pagtaas ng bilang ng mga lokal at dayuhang turista na bumibisita sa ating lalawigan, na labis po nating ikinatutuwa.
Noong 2024, umabot sa 1,237,611 ang kabuuang bilang ng mga turista kabilang na ang mga excursionists o mga bumibisita sa Bataan nang hindi lalagpas sa isang araw. Ito ay mas mataas nang 41.16% kumpara sa 876,759 na naitala noong 2023.

Ito po ay bunga nang sama-sama nating pagsuporta sa mga pampubliko at pribadong establisimyento gayundin sa ating mga lokal na produkto na patuloy na hinahanap-hanap at binabalik-balikan ng mga bumibisita sa ating magandang lalawigan.

Other Articles