Pawikan Festival Creative Dance Competition

Handa na ba kayo, Bataan?
Ihanda na ang inyong cheer at energy dahil muling magtatanghal ang mga natatanging mananayaw mula sa ibat’ ibang bayan at nag-iisang lungsod ng Bataan! Sa bawat indak at bawat kwentong isinasayaw, mabubuhay ang kulay, kultura, at malasakit para sa ating minamahal na Pawikan.
Taon-taon, mas nagiging inspirasyon ang kompetisyong ito, hindi lamang bilang paligsahan, kundi bilang paraan ng mga kabataan na ipakita ang kanilang galing habang pinapalakas ang adbokasiya sa pangangalaga ng karagatan at kalikasan.
Sama-sama nating suportahan ang ating mga bayan at damhin ang sigla ng selebrasyon. Para sa sining, para sa kultura, para sa Pawikan. 🐢💚
Abangan ang live coverage sa mga Facebook page na ito:

Joet Garcia | 1Bataan | Behold Bataan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Other Articles