Buwan ng Pambansang Pamana 2025: Kapitolyo sa kasaysayang pampulitika ng bansa — mga unang nalagakan ng panandang pangkasaysayan
Sa pagwawakas ng Buwan ng Pambansang Pamana, tampok sa seryeng ito ang mga unang Kapitolyo ng mga lalawigan na kinilala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas (NHCP) sa pamamagitan ng mga panandang pangkasaysayan o pahayag bilang Pambansang Palatandaang Makasaysayan. Sa lente ng kasaysayang pampulitika, ang mga Kapitolyo ay hindi lamang gusali kundi espasyo ng pamumuno at kapangyarihan, na nagsilbing sentro ng kolonyal, rebolusyonaryo, at republikang pamahalaan sa mga lalawigan.
Mula sa panunungkulan ng mga alkalde mayor, gobernador sibil, at mga lider ng rebolusyon, hanggang sa muling pagtatatag ng demokrasya pagkatapos ng digmaan—ang mga istrukturang ito ay tahimik na saksi sa mahahalagang yugto ng pamahalaang Pilipino.
Ang mga larawang tampok sa serye na ito ay nagpapakita ng sampung makasaysayang gusaling Kapitolyo (o probisyunaryo) na unang kinilala ng Komisyon bilang mahalagang bahagi ng kasaysayang pampamahalaan ng bansa.

1. Kapitolyo ng Bataan
Orihinal na itinayo bilang Casa Real ng Bataan sa ilalim ni Alcalde Mayor Domingo de Goyenchea mula 1792 hanggang 1794. Nasira ito sa mga lindol noong 1852 at 1854, at isinailalim sa mga pagsasaayos noong 1854, 1869, 1880, at 1885. Mula Mayo 31, 1898 hanggang Enero 1900, nagsilbi itong punong-tanggapan ng Rebolusyonaryong Pamahalaan ng Bataan. Mula 1903 hanggang 1906, naging tahanan din ito ng Mataas na Paaralang Panlalawigan.

2. Kapitolyo ng Zambales
Itinayo ng Pamahalaang Kolonyal ng Espanya mula 1875 hanggang 1878, ang gusali ay orihinal na ginamit bilang Panlalawigang Piitan noong panahon ng mga Kastila. Noong 1899, ito ay naging Pangkalahatang Himpilan ng Rebolusyonaryong Pamahalaan ng Zambales. Matapos ang muling pagsasaayos ng harapan ng gusali noong 1939, nagsilbi na itong opisyal na Kapitolyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales.

3. Price Mansion, Tacloban
Itinayo noong 1910, ang gusali ay dating pag-aari ni G. Walter S. Price at ng kanyang asawa. Sa panahon ng Kampanya sa Pilipinas ng Allied Forces noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ito ay pansamantalang ginamit bilang Kapitolyo ng Philippine Commonwealth mula Oktubre 20 hanggang 23, 1944. Naiwasan ni Heneral Douglas MacArthur ang matinding pinsala nang tamaan ng bombang Hapon ang bubong ng silid na kanyang tinutuluyan noong Oktubre 20, 1944.

4. Kapitolyo ng Leyte
Ang Panlalawigang Kapitolyo ng Leyte ang nagsilbing punong tanggapan ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas mula Oktubre 23, 1944 hanggang Pebrero 27, 1945. Noong Oktubre 23, 1944, nanumpa si dating Pangalawang Pangulo Sergio Osmeña bilang Pangulo ng Philippine Commonwealth sa hagdanan ng gusali sa harap ni Heneral Douglas MacArthur, na sinaksihan ng mga miyembro ng Gabinete, puwersa ng Allied Forces, at mga bagong layang Pilipino.

5. Kapitolyo ng Quezon (Tayabas)
Itinayo bilang Kapitolyo ng Tayabas noong 1908 sa lupang ipinagkaloob ni Abogado Filemon E. Perez. Ginawang konkreto ang gusali alinsunod sa Public Act No. 1637. Pinalawak ito mula 1930 hanggang 1935 sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Maximo Rodriguez. Nasira ang gusali noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at naipagawa muli sa bisa ng Tydings Act noong Abril 30, 1946. Sa bisa ng Republic Act No. 14, pinangalanan itong Quezon Provincial Capitol noong Setyembre 7, 1946.

6. Kapitolyo ng Negros Occidental
Ang orihinal na Kapitolyo ng Negros Occidental ay nasa lumang bahay na ipinagkaloob ni Jose Ruiz de Luzuriaga sa kanto ng Daang Luzuriaga at Araneta. Ang kasalukuyang gusali ay dinisenyo ni Arkitekto Juan Arellano noong 1927 at natapos noong 1933 sa ilalim ni Gobernador Jose Locsin. Itinuturing itong mahalagang halimbawa ng gusaling pampamahalaan at arkitektura noong unang bahagi ng ika-20 siglo sa panahon ng mga Amerikano. Ipinahayag itong Pambansang Palatandaang Makasaysayan noong Hulyo 19, 2004.

7. Kapitolyo ng Cebu
Ang dating Kapitolyo ng Cebu ay matatagpuan sa harap ng kasalukuyang Plaza Independencia. Nasakop ito ng mga rebolusyonaryong Pilipino noong 1898 at ng mga puwersang Amerikano noong 1899. Ang kasalukuyang gusali ay dinisenyo ni Juan Arellano at itinayo noong Disyembre 1936. Pinasinayaan ito ni Pangulong Manuel L. Quezon noong Hunyo 14, 1938. Isang halimbawa ito ng gusaling pampamahalaan mula sa panahon ng Komonwelt. Idineklara itong Pambansang Palatandaang Pangkasaysayan noong Hunyo 9, 2008.

8. Casa Real ng Iloilo
Ang Casa Real ng Iloilo ay itinayo noong panahon ng mga Kastila, yari sa kahoy at bato. Naging Kapitolyo ito nang maitatag ang Pamahalaang Sibil ng Iloilo noong Abril 11, 1901, sa ilalim ni Gobernador Martin T. Delgado (1901–1904). Ginamit ito ng mga Hapones mula 1942 hanggang 1945. Naayos ang ilang bahagi ng gusali noong dekada 1960. Nasunog ito noong Nobyembre 4, 1998 at muling naipagawa. Mula 1901 hanggang 2001, naging sentro ito ng pamahalaang panlalawigan ng Iloilo.

9. Kapitolyo ng Ilocos Norte
Ang Kapitolyo ng Ilocos Norte ay dinisenyo ni Ralph Harrington Doane at itinayo mula 1917 hanggang 1925 sa pangangasiwa nina Jose Paez at Tomas Mapua. Noong Disyembre 12, 1941, dumating ang mga Hapones sa Laoag, dahilan upang lumikas si Gobernador Roque Ablan at ituloy ang pamahalaan sa kabundukan ng Maananteng, Solsona. Pinalaya ang Laoag ng 15th Infantry Regiment ng United States Army Forces in the Philippines–Northern Luzon noong Pebrero 13, 1945. Isinaayos ang gusali noong 1957 at pinasinayaan ito ni Pangulong Carlos P. Garcia noong Disyembre 27, 1958. Inilagay ang marker bilang bahagi ng ika-200 anibersaryo ng Ilocos Norte (1818–2018).

10. Kapitolyo ng Sorsogon
Noong 1902, ang tahanan ng angkang De Vera ang nagsilbing pansamantalang opisina ni Gobernador Bernardino Monreal. Itinayo ang Kapitolyo ng Sorsogon mula 1915 hanggang 1917 sa ilalim ni Gobernador Victor Eco, kasabay ng gusaling hukuman at panlalawigang piitan. Pinamahalaan ito nina Arkitekto George Fenhagen at Ralph H. Doane.
Other Articles
-
Patricia C. Layug of Bataan in the Binibining Pilipinas 2025 Tourism Video!
Let’s show some love and support for our very own Binibini 34 – Patricia C. Layug of Bataan in the Binibining Pilipinas 2025 Tourism Video! Watch, share, and celebrate this proud Bataeña as she showcases the beauty and spirit of our province. Together, let us Behold Bataan. Other Articles Come and Join us FOLLOW US…
-
Pagbisita ng mga delegado ng Man of the World
Binisita po tayo ngayong araw, ika-26 ng Mayo ng 28 delegado mula sa iba’t-ibang bansa para sa patimpalak na Man of the World. Inaanyayahan ko po ang lahat na suportahan ang mga kandidato sa kompetisyong ito na gaganapin sa ika-31 ng Mayo sa SM Skydome, Quezon City. Goodluck po sa lahat ng mga kandidato sa…
-
Mt. Samat National Shrine
Photo of the Day: Mt. Samat National ShrineIn celebration of National Heritage Month 2025, let’s look back at some of the important heritage markers and cultural symbols found here in Bataan. These special landmarks help tell the story of our history and culture as Filipinos. Have you seen any of these markers in person? Share…
-
Cultural Tourism Development Workshop
In celebration of the National Heritage Month, the Department of Tourism – Region III successfully held a three-day Cultural Tourism Development Workshop on May 20-22, 2025 at the Bliss Hotel Dau, Mabalacat City, Pampanga.Through collaborative activities and interactive discussions of participants from various tourism sectors in Central Luzon, the workshop highlighted the vital role of…
-
National Flag Days
National Flag Days May 28 – June 12 The National Historical Commission of the Philippines (NHCP) enjoins everyone to proudly display the Philippine National Flag from May 28 to June 12 in observance of National Flag Days, as mandated by Republic Act No. 8491, also known as the Flag and Heraldic Code of the Philippines.…
-
Buwan ng Pambansang Pamana 2025: Kapitolyo sa kasaysayang pampulitika ng bansa — mga unang nalagakan ng panandang pangkasaysayan
Sa pagwawakas ng Buwan ng Pambansang Pamana, tampok sa seryeng ito ang mga unang Kapitolyo ng mga lalawigan na kinilala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas (NHCP) sa pamamagitan ng mga panandang pangkasaysayan o pahayag bilang Pambansang Palatandaang Makasaysayan. Sa lente ng kasaysayang pampulitika, ang mga Kapitolyo ay hindi lamang gusali kundi espasyo ng pamumuno…
-
Battle of Bataan Marker
In celebration of National Heritage Month 2025, let’s look back at some of the important heritage markers and cultural symbols found here in Bataan. These special landmarks help tell the story of our history and culture as Filipinos. Have you seen any of these markers in person? Share your photos and stories with us in…
-
May Serenade Concert
You’re invited to an afternoon filled with music and meaning!Be part of the May Serenade Concert featuring the talented Jose De Piro Kabataan Orkestra, under the baton of Mr. Felicito Sacdalan. It’s a friendship concert that celebrates youth, harmony, and the power of music to bring people together. — with Jose Depiro Kabataan Orkestra. 🗓…
-
International Day of Biodiversity 2025
Alam Ba Ninyo?May mga barangay sa Lalawigan ng Bataan na hango ang pangalan sa halaman o hayop — patunay ng mayamang ugnayan ng ating kultura at kalikasan! Atin pong kilalanin at pangalagaan ang ating likas na yaman. Ang bawat isa ay may mahalagang papel — maging kabahagi tayo ng plano para sa kalikasan! Photos Other…
-
Muling nagbabalik ang biyahe ng ferry trips mula Manila papuntang Bataan – at pabalik
𝟭𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗚𝗥𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠 𝗜𝗡𝗖. Sa ating mga kababayan na hinintay ang pagbabalik ng mga biyahe ng ferry boat, ikinagagalak ko pong ibalita sa inyo na magbabalik na ang ating 1Bataan Integrated Transport System Inc. simula sa 𝗶𝗸𝗮-𝟭𝟯 𝗻𝗴 𝗛𝘂𝗻𝘆𝗼. Ang mga terminal ng ating ferry boat ay matatagpuan sa mga sumusunod: 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝗙𝗲𝗿𝗿𝘆 𝗧𝗲𝗿𝗺𝗶𝗻𝗮𝗹:CCP…
Come and Join us

FOLLOW US ON