Buwan ng Pambansang Pamana 2025: Kapitolyo sa kasaysayang pampulitika ng bansa — mga unang nalagakan ng panandang pangkasaysayan
Sa pagwawakas ng Buwan ng Pambansang Pamana, tampok sa seryeng ito ang mga unang Kapitolyo ng mga lalawigan na kinilala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas (NHCP) sa pamamagitan ng mga panandang pangkasaysayan o pahayag bilang Pambansang Palatandaang Makasaysayan. Sa lente ng kasaysayang pampulitika, ang mga Kapitolyo ay hindi lamang gusali kundi espasyo ng pamumuno at kapangyarihan, na nagsilbing sentro ng kolonyal, rebolusyonaryo, at republikang pamahalaan sa mga lalawigan.
Mula sa panunungkulan ng mga alkalde mayor, gobernador sibil, at mga lider ng rebolusyon, hanggang sa muling pagtatatag ng demokrasya pagkatapos ng digmaan—ang mga istrukturang ito ay tahimik na saksi sa mahahalagang yugto ng pamahalaang Pilipino.
Ang mga larawang tampok sa serye na ito ay nagpapakita ng sampung makasaysayang gusaling Kapitolyo (o probisyunaryo) na unang kinilala ng Komisyon bilang mahalagang bahagi ng kasaysayang pampamahalaan ng bansa.

1. Kapitolyo ng Bataan
Orihinal na itinayo bilang Casa Real ng Bataan sa ilalim ni Alcalde Mayor Domingo de Goyenchea mula 1792 hanggang 1794. Nasira ito sa mga lindol noong 1852 at 1854, at isinailalim sa mga pagsasaayos noong 1854, 1869, 1880, at 1885. Mula Mayo 31, 1898 hanggang Enero 1900, nagsilbi itong punong-tanggapan ng Rebolusyonaryong Pamahalaan ng Bataan. Mula 1903 hanggang 1906, naging tahanan din ito ng Mataas na Paaralang Panlalawigan.

2. Kapitolyo ng Zambales
Itinayo ng Pamahalaang Kolonyal ng Espanya mula 1875 hanggang 1878, ang gusali ay orihinal na ginamit bilang Panlalawigang Piitan noong panahon ng mga Kastila. Noong 1899, ito ay naging Pangkalahatang Himpilan ng Rebolusyonaryong Pamahalaan ng Zambales. Matapos ang muling pagsasaayos ng harapan ng gusali noong 1939, nagsilbi na itong opisyal na Kapitolyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales.

3. Price Mansion, Tacloban
Itinayo noong 1910, ang gusali ay dating pag-aari ni G. Walter S. Price at ng kanyang asawa. Sa panahon ng Kampanya sa Pilipinas ng Allied Forces noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ito ay pansamantalang ginamit bilang Kapitolyo ng Philippine Commonwealth mula Oktubre 20 hanggang 23, 1944. Naiwasan ni Heneral Douglas MacArthur ang matinding pinsala nang tamaan ng bombang Hapon ang bubong ng silid na kanyang tinutuluyan noong Oktubre 20, 1944.

4. Kapitolyo ng Leyte
Ang Panlalawigang Kapitolyo ng Leyte ang nagsilbing punong tanggapan ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas mula Oktubre 23, 1944 hanggang Pebrero 27, 1945. Noong Oktubre 23, 1944, nanumpa si dating Pangalawang Pangulo Sergio Osmeña bilang Pangulo ng Philippine Commonwealth sa hagdanan ng gusali sa harap ni Heneral Douglas MacArthur, na sinaksihan ng mga miyembro ng Gabinete, puwersa ng Allied Forces, at mga bagong layang Pilipino.

5. Kapitolyo ng Quezon (Tayabas)
Itinayo bilang Kapitolyo ng Tayabas noong 1908 sa lupang ipinagkaloob ni Abogado Filemon E. Perez. Ginawang konkreto ang gusali alinsunod sa Public Act No. 1637. Pinalawak ito mula 1930 hanggang 1935 sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Maximo Rodriguez. Nasira ang gusali noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at naipagawa muli sa bisa ng Tydings Act noong Abril 30, 1946. Sa bisa ng Republic Act No. 14, pinangalanan itong Quezon Provincial Capitol noong Setyembre 7, 1946.

6. Kapitolyo ng Negros Occidental
Ang orihinal na Kapitolyo ng Negros Occidental ay nasa lumang bahay na ipinagkaloob ni Jose Ruiz de Luzuriaga sa kanto ng Daang Luzuriaga at Araneta. Ang kasalukuyang gusali ay dinisenyo ni Arkitekto Juan Arellano noong 1927 at natapos noong 1933 sa ilalim ni Gobernador Jose Locsin. Itinuturing itong mahalagang halimbawa ng gusaling pampamahalaan at arkitektura noong unang bahagi ng ika-20 siglo sa panahon ng mga Amerikano. Ipinahayag itong Pambansang Palatandaang Makasaysayan noong Hulyo 19, 2004.

7. Kapitolyo ng Cebu
Ang dating Kapitolyo ng Cebu ay matatagpuan sa harap ng kasalukuyang Plaza Independencia. Nasakop ito ng mga rebolusyonaryong Pilipino noong 1898 at ng mga puwersang Amerikano noong 1899. Ang kasalukuyang gusali ay dinisenyo ni Juan Arellano at itinayo noong Disyembre 1936. Pinasinayaan ito ni Pangulong Manuel L. Quezon noong Hunyo 14, 1938. Isang halimbawa ito ng gusaling pampamahalaan mula sa panahon ng Komonwelt. Idineklara itong Pambansang Palatandaang Pangkasaysayan noong Hunyo 9, 2008.

8. Casa Real ng Iloilo
Ang Casa Real ng Iloilo ay itinayo noong panahon ng mga Kastila, yari sa kahoy at bato. Naging Kapitolyo ito nang maitatag ang Pamahalaang Sibil ng Iloilo noong Abril 11, 1901, sa ilalim ni Gobernador Martin T. Delgado (1901–1904). Ginamit ito ng mga Hapones mula 1942 hanggang 1945. Naayos ang ilang bahagi ng gusali noong dekada 1960. Nasunog ito noong Nobyembre 4, 1998 at muling naipagawa. Mula 1901 hanggang 2001, naging sentro ito ng pamahalaang panlalawigan ng Iloilo.

9. Kapitolyo ng Ilocos Norte
Ang Kapitolyo ng Ilocos Norte ay dinisenyo ni Ralph Harrington Doane at itinayo mula 1917 hanggang 1925 sa pangangasiwa nina Jose Paez at Tomas Mapua. Noong Disyembre 12, 1941, dumating ang mga Hapones sa Laoag, dahilan upang lumikas si Gobernador Roque Ablan at ituloy ang pamahalaan sa kabundukan ng Maananteng, Solsona. Pinalaya ang Laoag ng 15th Infantry Regiment ng United States Army Forces in the Philippines–Northern Luzon noong Pebrero 13, 1945. Isinaayos ang gusali noong 1957 at pinasinayaan ito ni Pangulong Carlos P. Garcia noong Disyembre 27, 1958. Inilagay ang marker bilang bahagi ng ika-200 anibersaryo ng Ilocos Norte (1818–2018).

10. Kapitolyo ng Sorsogon
Noong 1902, ang tahanan ng angkang De Vera ang nagsilbing pansamantalang opisina ni Gobernador Bernardino Monreal. Itinayo ang Kapitolyo ng Sorsogon mula 1915 hanggang 1917 sa ilalim ni Gobernador Victor Eco, kasabay ng gusaling hukuman at panlalawigang piitan. Pinamahalaan ito nina Arkitekto George Fenhagen at Ralph H. Doane.
Other Articles
-
Happy Birthday, Ma’am Danica!
On your special day, we celebrate not just the amazing leader you are, but also the kind, passionate and inspiring woman behind every successful tourism milestone in Bataan. Thank you for guiding us with purpose, grace and genuine heart. May this year bring you even more joy, good health and beautiful memories. We’re so blessed…
-
Maligayang Araw ng Kalayaan!
Ngayong ika-127 taon ng ating kasarinlan, sabay-sabay nating balikan at pahalagahan ang tapang, sakripisyo at pagmamahal sa bayan ng ating mga bayani. Ang kalayaan na tinatamasa natin ngayon ay bunga ng kanilang pakikibaka at tungkulin nating ipagpatuloy ito sa pamamagitan ng pagkakaisa, malasakit at paglingkod sa bayan. Sa temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.”, paalala ito na…
-
Ika-127 Taong Paggunita sa Araw ng Kalayaan
Inaanyayahan po namin kayong makiisa sa pagdiriwang ng ika-127 Araw ng Kalayaan na may temang “Kalayaan, Kinabukasan at Kasaysayan” sa Bataan People’s Center. Mabuhay ang Pilipinas! Other Articles Come and Join us FOLLOW US ON
-
Ar. Christina Banzon-Enriquez appointed as a member of the Board of Trustees of the Nayong Pilipino Foundation
Congratulations, Ar. Christina Banzon-Enriquez! Your appointment as a member of the Board of Trustees of the Nayong Pilipino Foundation is a proud moment for Bataan and the entire tourism community. With your background in architecture and your passion for heritage and sustainable tourism, we are confident that you will help shape a future where Filipino…
-
Araw ng Kalayaan Trade Fair
Inaanyayahan po ang lahat na bumisita at suportahan ang ating mga lokal na produkto mula ika-9 hanggang ika-12 ng Hunyo, sa Main Entrance ng The Bunker Building. Bahagi po ng ating pagdiriwang sa kasarinlan, tampok pong muli ang mga de-kalidad na produkto at likha ng ating mga kapwa Bataeño sa Araw ng Kalayaan Trade Fair.…
-
Vote your favorite Binibining Pilipinas Candidate
My fellow countrymen, let’s show our support for our rock, Miss #34 Patricia Layug of Bataan!Let’s raise the flag of our province in Miss Philippines 2025 by voting for Patricia in the MB Reader’s Choice Awards! Heart her photo on Manila Bulletin’s official Facebook page (search in the album: Miss Philippines 2025). 🗓️ Voting is…
-
Happy World Environment Day!
In Bataan, nature is more than a destination, it’s our shared story. From the calm of Dunsulan Falls to the towering Mt. Natib, from the journey of migratory birds to the nesting of Pawikans, every corner reminds us of what’s worth protecting.Through efforts like the Baka1Bataan: Orani Mangrove Adoption and Protection Project, we continue to…
-
Who’s joining the fair?
Check out the full list of MSMEs bringing life to this year’s 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧 𝐓𝐫𝐚𝐝𝐞 𝐅𝐚𝐢𝐫 — a proud showcase of Bataan-made products! 🗓️ June 9–11, 2025🕗 8:00 AM to 5:00 PM📍 Main Entrance, The Bunker Building, Balanga City Other Articles Come and Join us FOLLOW US ON
-
Beach Safety Guidance: JellyFish Awareness
To strengthen safety measures in our beach and coastal areas, the Department of Tourism has released 𝗕𝗲𝗮𝗰𝗵 𝗦𝗮𝗳𝗲𝘁𝘆 𝗚𝘂𝗶𝗱𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗡𝗼. 𝟮𝟬𝟮𝟱-𝟬𝟬𝟭, issued on May 22, 2025. This initiative aims to prevent marine pest-related incidents and ensure the well-being of our guests and tourism workers. 🏖️ In line with DOT Memorandum Circulars No. 2023-0003 and 2024-0002,…
-
Musika ng Kalayaan at Pasasalamat Handog ng Team 1Balanga at 1Bataan
Bataeños, handa na ba kayong makisaya at maki-sing along? Bilang pasasalamat sa inyong patuloy na suporta at pagdiriwang sa Araw ng Kalayaan, magkakaroon po tayo ng free concert.Ang concert na ito ay handog nina Mayor Francis at Mayora Raquel, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Balanga, Cong. Jett ng Pusong Pinoy Partylist kasama ang buong…
Come and Join us

FOLLOW US ON