Buwan ng wikang pambansa

Alinsunod sa Proklamasyon ng Pangulo Blg. 1041, s. 1997, ang buwan ng Agosto ay itinalaga bilang panahon ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa upang higit na mapalaganap ang pagpapahalaga at wastong paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan ng lipunan.

Nakikiisa ang Panlalawigang Tanggapan ng Turismo ng Bataan sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang: “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”

Sa panahon ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, nananatiling mahalaga ang wikang Filipino bilang tulay sa mas inklusibong kaalaman, makabuluhang pananaliksik, at mas malawak na pag-unawa sa ating kultura at pamana. Sa responsableng paggamit ng artificial intelligence, higit nating mapapalawak ang tamang paggamit sa impormasyon habang pinananatiling buhay at makabuluhan ang ating sariling wika.

Sama-sama nating ipagdiwang ang wikang nagbubuklod sa ating pagkatao at patuloy na nagsisilbing tinig ng sambayanang Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Other Articles