DAYAW 2026 | Ipagdiwang ang Buwan ng Mga Katutubo!

Ngayong Oktubre, ating ipinagdiriwang ang pagkamalikhain, mga kaalaman, at pagiging matatag ng mga katutubong komunidad sa bansa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Katutubo, alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1906 na nilagdaan noong 2009.

Higit dalawandaang mga katutubo, cultural bearers, artists, mga guro at akademiko, kabataan, at kinatawan ng mga komunidad mula sa 41 clusters ang magsasama-sama sa Dayaw 2026 na gaganapin mula ika-13 hanggang ika-15 ng Oktubre, sa Foro de Intramuros Manila.

Sa temang “Pagkamalikhain ng Katutubong Filipino: Pinagtibay ng mga Pagsubok, Umaalab ang Bagong Pag-Asa” (Creativity of Indigenous Filipinos: Strengthened by Challenges, Igniting New Hope), layunin ng Dayaw na ipakita kung paanong patuloy na humuhugot ng lakas ang mga pamayanang kultural sa kanilang mga tradisyon, kaalaman, at malikhaing gawain sa kabila ng mga hamong panlipunan, pang-ekonomiko, politikal, at pangkapaligiran.

Tampok sa pagdiriwang ang mga programa para sa pagpapalitan ng kultura at kaalaman, kabilang ang:

✨ Gawad sa Gabay ng Katutubo

🌿 IP Forums na nakatuon sa edukasyon, kalusugan, at kalikasan

🧶 Demo ng sayaw, paghahabi, at iba pang katutubong likhang-kamay

🍲 Kalutong katutubo

🎭 Kultural na pagtatanghal

📖 Epiko at iba pang oral traditions

🌱 Ethnomedicine at iba pang kaalamang katutubo indigenous knowledge

🖼️ Exhibitions at iba pang indigenous creative expressions

Higit pa sa isang pagdiriwang, ang Dayaw ay espasyo upang marinig ang boses ng mga katutubo – isang espasyo para dinggin ang kanilang hinaing, ipakilala ang kanilang mga realidad, ipalaganap ang mga kuwento ng pag-asa sa gitna ng hamon ng makabagong panahon.

Bilang pagkilala sa mga katutubong komunidad, patuloy tayong gumawa ng mga espasyong nagpapayabong sa mga pamanang kultural at kung saan maaaring umalab ang bagong pag-asa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Other Articles

  • From history to heritage, rich and tasty homegrown flavors, timeless and historical structures – Bataan definitely offers a great adventure for everyone! Take your pick or visit them all!

    📍 Mt. Samat National Shrine – honoring courage and sacrifice📍 Rancho Bernardo Luxury Villas and Resort – nature, serenity, and scenic views📍 Cusina ni Nanay Maria – a Filipino comfort food feast📍 Las Casas Filipinas de Acuzar – historical beauty meets modern luxurySee you? See you! Other Articles Come and Join us FOLLOW US ON

    Read more

  • Walk for Bataan’s Bravest!

    Hey beloved Bataan! Let’s put our feet to the pavement for a cause that runs deep in our history! The Freedom March is back, and once again we are commemorating the sheer, indomitable bravery of every soldier and civilian who fought during WWII, especially those who walked the Bataan Death March. The province of Bataan…

    Read more

  • Para naman sa Gabi ng Musika, Tagumpay at Selebrasyon Day 2

    Para naman sa Gabi ng Musika, Tagumpay at Selebrasyon Day 2 na hatid ng inyong Pamahalaang Panlalawigan at Pamahalaang Panlungsod ng Balanga, balikan ang pagtatanghal nila na ginanap noong ika-11 ng Enero. Other Articles Come and Join us FOLLOW US ON

    Read more

  • All Gears in for BTN POP Fest 2026

    Preparations are officially underway for the culminating night of BTN Pop Season 3!We gathered to lock in the program flow, song lineup, and stage direction for what will be a bold, immersive, and multi-media concert experience. Expect a fresh kind of stage show that blends music, visuals, and performance in a way our province has…

    Read more

  • Muli po nating balikan ang mga awiting nagbigay saya at sigla sa Gabi ng Musika, Tagumpay at Selebrasyon

    Muli po nating balikan ang mga awiting nagbigay saya at sigla sa Gabi ng Musika, Tagumpay at Selebrasyon na ginanap noong ika-10 ng Enero kaugnay ng pagdiriwang natin ng ika-269 Bataan Foundation Day. Para sa kabuuang pagtatanghal, panuorin sa link na ito: Click here Other Articles Come and Join us FOLLOW US ON

    Read more

  • 269th Bataan Foundation Day Video Highlight

    Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga nakibahagi at nakisaya sa mga gawain kaugnay ng pagdiriwang ng ika-269 Taong Pagkakatatag ng Bataan bilang isang ganap na Lalawigan. Maraming salamat rin po sa mga nangasiwa upang maging matagumpay at makabuluhan ang ating selebrasyon.Mabuhay ang minamahal nating Lalawigan ng Bataan! Other Articles Come and Join us FOLLOW US…

    Read more

  • Congratulations sa 269 Best Selfie Winners!

    Maligayang pagbati sa 269 na masusuwerteng nanalo sa 269TH Bataan Foundation Day Best Selfie Contest! Ang mga winners ay napili sa pamamagitan ng e-roleta bilang bahagi ng ating makulay at makasaysayang pagdiriwang ng Bataan Foundation Day 2026. Lubos naming pinasasalamatan ang lahat ng Bataeño na nakiisa, nakilahok, at nagpakita ng suporta sa selebrasyon.Para sa pag-claim…

    Read more

  • Gabi ng Musika, Tagumpay at Selebrasyon – Day 1 Concert

    Maraming salamat po sa lahat nang nakising-along, nakiparty, nakiisa at tumulong sa ating Gabi ng Musika bilang bahagi nang pagdiriwang ng 269th Bataan Foundation Day at 25th Cityhood Anniversary ng Lungsod ng Balanga kung saan nakasama natin sina TJ Monterde, KZ Tandingan, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Erik Santos, Jason Dy, Sam Milby at Kyla, sa…

    Read more

  • LGU PERFORMANCES

    Mas lalo pong naging masaya at makulay ang pagdiriwang ng 269th Bataan Foundation Day dahil sa mga ipinamalas na talento ng bawat bayan bilang bahagi ng Kasayahan sa Kapitolyo (LGU Performances).Maraming salamat po sa lahat ng mga nagtanghal at nagbahagi ng kanilang husay. Tunay po na ang bawat Bataeño ay may natatanging talento na dapat…

    Read more

  • Pagbibigay Lektura Para Sa Kasaysayan Ng Bataan

    Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-269 Bataan Foundation Day, inaanyayahan ang publiko sa Bataan History Symposium, isang makabuluhang pagtitipon na naglalayong balikan, unawain, at ipagmalaki ang kasaysayan ng ating lalawigan.Tampok sa programa ang lektura ni Cornelio R. Bascara, Ph.D. mula sa University of Santo Tomas Graduate School of Arts and Letters, na magbibigay ng mas…

    Read more