DAYAW 2026 | Ipagdiwang ang Buwan ng Mga Katutubo!
Ngayong Oktubre, ating ipinagdiriwang ang pagkamalikhain, mga kaalaman, at pagiging matatag ng mga katutubong komunidad sa bansa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Katutubo, alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1906 na nilagdaan noong 2009.
Higit dalawandaang mga katutubo, cultural bearers, artists, mga guro at akademiko, kabataan, at kinatawan ng mga komunidad mula sa 41 clusters ang magsasama-sama sa Dayaw 2026 na gaganapin mula ika-13 hanggang ika-15 ng Oktubre, sa Foro de Intramuros Manila.
Sa temang “Pagkamalikhain ng Katutubong Filipino: Pinagtibay ng mga Pagsubok, Umaalab ang Bagong Pag-Asa” (Creativity of Indigenous Filipinos: Strengthened by Challenges, Igniting New Hope), layunin ng Dayaw na ipakita kung paanong patuloy na humuhugot ng lakas ang mga pamayanang kultural sa kanilang mga tradisyon, kaalaman, at malikhaing gawain sa kabila ng mga hamong panlipunan, pang-ekonomiko, politikal, at pangkapaligiran.
Tampok sa pagdiriwang ang mga programa para sa pagpapalitan ng kultura at kaalaman, kabilang ang:
Gawad sa Gabay ng Katutubo
IP Forums na nakatuon sa edukasyon, kalusugan, at kalikasan
Demo ng sayaw, paghahabi, at iba pang katutubong likhang-kamay
Kalutong katutubo
Kultural na pagtatanghal
Epiko at iba pang oral traditions
Ethnomedicine at iba pang kaalamang katutubo indigenous knowledge
Exhibitions at iba pang indigenous creative expressions
Higit pa sa isang pagdiriwang, ang Dayaw ay espasyo upang marinig ang boses ng mga katutubo – isang espasyo para dinggin ang kanilang hinaing, ipakilala ang kanilang mga realidad, ipalaganap ang mga kuwento ng pag-asa sa gitna ng hamon ng makabagong panahon.
Bilang pagkilala sa mga katutubong komunidad, patuloy tayong gumawa ng mga espasyong nagpapayabong sa mga pamanang kultural at kung saan maaaring umalab ang bagong pag-asa.

Other Articles
-
Happy Birthday Hon. Jose Enrique S. Garcia III
Maligayang Kaarawan sa ating minamahal na Governor ng Lalawigan ng Bataan, Hon. Jose Enrique S. Garcia III! Ang inyong patuloy na paglilingkod, malasakit, at dedikasyon sa pagsusulong ng kaunlaran ng ating lalawigan ay nagsisilbing inspirasyon sa bawat Bataeño. Nawa’y pagkalooban kayo ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at higit pang lakas upang ipagpatuloy ang inyong tapat na…
-
Here’s a quick walkthrough of what awaits you in project Nakaraan!
Through augmented reality, you can explore Bataan’s old structures and historical landmarks as they once stood, giving you a glimpse of the past in a whole new way. Enjoy discovering Bataan from a different perspective through a unique tourism loop that brings together history, heritage, and technology. Other Articles Come and Join us FOLLOW US…
-
Project Nakaraan: Experiencing Bataan’s Heritage Through Augmented Reality
The Mt. Samat Flagship Tourism Enterprise Zone successfully launched Project NakARaan, an innovative Augmented Reality (AR) experience, today, November 11, 2026, at The Bunker Atrium, Balanga City, Bataan. This initiative was made possible through the collaborative efforts of the Provincial Government of Bataan, through the Provincial Tourism Office, in partnership with the Local Government Units…
-
Pawikan Night Patrol
Sa bawat pag-ahon ng Pawikan, may bagong pag-asang isinisilang. Sa ilalim ng liwanag ng gabi, sama-sama nating nasaksihan ang isa sa mga kahanga-hangang regalo ng kalikasan—the Pawikan coming ashore to lay their eggs. Sa pamamagitan ng Pawikan Night Patrol 2026, nagsama-sama ang mga kabataan, lokal na komunidad, tourism establishments, at mga opisyal upang matuto, makiisa,…
-
From history spot to government hub
It’s more than a government building. Inside, you’ll find WWII aircraft replicas, historical displays, and architecture inspired by Bataan’s wartime past and continuing progress. Open Monday to Friday, 8 AM–5 PM. Discover another side of ang Ganda ng Bataan. There’s more to discover in Bataan. Follow Bataan Tourism and find your next place to visit,…
-
The Philippine Farms Orientation Program: Planting the Seeds of Agritourism
The Provincial Tourism Office successfully conducted the Philippine Farms Orientation Program: Planting the Seeds of Agritourism, in partnership with the Department of Tourism – Region III and the Bataan Farm Tourism Agriculture Cooperative. The first part of the activity focused on the introduction of farm tourism, covering the following topics: The Basics of Farm Tourism,…
-
Sa pagsisimula ng ating Pawikan Night Patrol
Sama-sama nating isulong ang pangangalaga at proteksyon sa mga pawikan at sa kanilang likas na tirahan. Sa pamamagitan ng gawaing ito, mas mapapalawak natin ang ating kaalaman at kamalayan tungkol sa kahalagahan ng pagprotekta sa mga pawikan, lalo na sa panahon ng kanilang pangingitlog. Tandaan, bawat simpleng hakbang ay may malaking ambag sa pagpapanatiling ligtas…
-
Central Luzon – Calendar of Activities
November brings new opportunities to connect, explore, and experience the many things that make Central Luzon a destination worth discovering. Throughout the region, various events and activities bring communities, visitors, and industry partners together, highlighting the diverse experiences, local talents, and growing opportunities that Central Luzon has to offer. Take a look at what’s happening…
-
Ceremonial Unveiling of the Heritage Tree Marker
Another Bataan Heritage Tree Marker was unveiled today, November 9, 2026, beside Our Lady of the Pillar Parish Church in Barangay Poblacion, Morong, Bataan. Anchored on Provincial Ordinance No. 14, Series of 2020, this initiative is part of the heritage conservation program of the Bataan Provincial Tourism Office, which aims to protect and preserve century-old…
-
Looking for a place to start your Bataan adventure?
Make a quick stop at the Bataan Tourism Pasalubong Center and discover a little bit of everything – from local finds and OTOP products to stories that help you get to know the province better. Whether you’re looking for something to take home or your next place to explore, may Ganda ng Bataan na naghihintay…

Leave a Reply