Kagitingan Trade fair

Sa ating paggunita sa Araw ng Kagitingan, muli po nating binibigyang pugay ang katapangan at di matatawarang sakripisyo ng ating mga bayani ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kaugnay nito, magkakaroon po ng Kagitingan Trade Fair tampok ang iba’t ibang lokal na produkto at likhang-kamay ng ating mga kapwa Bataeno. Gaganapin ang trade fair sa Plaza Mayor de Ciudad de Balanga mula ika-6 hanggang ika-9 ng Abril. Suportahan po natin ang sariling atin at ipagdiwang ang galing ng Bataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Other Articles