Kampong – Wika: Ayta Magbukun
Ang Kampong-Wika ay programang inilunsad upang linangin at palalimin ang kaalaman ng mga kabataang Ayta Magbukun sa kanilang katutubong wika, kultura, at tradisyon. Ang aktibidad na ito ay isinagawa para sa mga kabataang sampu hanggang labindalawang (10–12) taong gulang. Sa pamamagitan ng mga masining, inter-aktibo, at makabuluhang aktibidad, naibahagi sa mga kalahok ang Wikang Magbukun—mula sa mga kuwentong-bayan, awitin, sayaw, laro, at iba pang tradisyonal na gawi ng kanilang komunidad.

Mahalagang bahagi ng programa ang mga nakatatandang kasapi (elders) ng komunidad at mga tagapagsalita ng Wikang Magbukun ang nagsilbing tagapagturo sa mga kabataan. Sa Kampong Wika, muling pinatitibay ang koneksiyon ng kabataan sa kanilang lingguwistikong pamana—isang hakbang tungo sa mas matatag na kinabukasan para sa Wikang Magbukun at sa panibagong henerasyon ng mga tagapagdala ng wika at kultura.
Pinangunahan ito ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) bilang bahagi ng kanilang mas malawak na adbokasiya para sa preserbasyon at pagpapasigla ng mga katutubong wika sa Pilipinas. Katuwang rin ang Provincial Tourism Office sa pagsasagawa ng gawaing ito. Ang Kampong-Wika ay pakikibahagi rin sa pagdiriwang ng Buwan ng Kultura (Heritage Month).
Photos




















Other Articles
- 
Strengthening Tourism Strategies: Insights from the recent statistics workshop in BataanStrengthening Tourism Strategies: Insights from the recent statistics workshop in Bataan The Department of Tourism – Region III conducted a Tourism Enterprise Forum, specifically a Statistics Workshop, to empower accommodation establishments in managing tourism statistics. The workshop covered the process of gathering tourism data, the indicators utilized for reporting, and the quality assurance procedures for… 
- 
SM City Bataan Welcomes Dakasi and HotstarSM City Bataan has recently added two exciting culinary destinations to its lineup. Dakasi, renowned for its delectable array of milk teas, and Hotstar, a celebrated name in the world of Taiwanese-style fried chicken. Dakasi and Hot star are located at the ground level. Customers can savor the creamy goodness of Dakasi’s signature Brown Sugar… 
- 
Hello world!Welcome to WordPress. This is your first post. Edit or delete it, then start writing! 

