Pagbati sa mga Nagsipagtapos sa Bahay Wika

Taos-puso po nating binabati ang labintatlong (13) kabataang Ayta Magbukun na nagsipagtapos mula sa Bahay Wika sa Barangay Bangkal sa Abucay kung saan patuloy na itinuturo at pinayayaman ang kanilang katutubong wika. Pagbati rin po sa anim (6) na nagtapos mula sa Master-Apprentice Language Learning Program na siyang inaasahang maghahanda at huhubog sa susunod pang mga mag-aaral ng kanilang wika at kultura. Makaaasa po ang ating mga katutubo at iba pang Indigenous Peoples sa Bataan na patuloy ang ating Pamahalaang Panlalawigan sa pagsusulong ng mga programa at proyektong magtataguyod sa pangkalahatang kapakanan, karapatan, kultura, at pagkakakilanlan ng bawat isa. source: https://www.facebook.com/joetgarcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Other Articles