Pawikan Festival 2026 – Pawikapalit: Trash to Treasure

Handa ka na bang gawing kapaki-pakinabang ang mga basurang mapupulot mo?

Sa PawiKapalit: Trash to Treasure ngayong Pawikan Festival 2026, bawat punong supot ng basurang mapupulot sa lugar ng pagdiriwang ay katumbas ng isang (1) Pawikan Point na maaari mong ipalit sa mga exciting na premyo!

👜 1 Point – Tote Bag
🥤 2 Points – Tumbler
☂️ 3 Points – Payong

at karagdagang special prizes.

Kumuha lamang ng supot sa ating booth, punuin ito ng mga basurang mapupulot sa loob ng festival grounds, at ipasuri upang makuha ang iyong Pawikan Points! (Basahin ang buong mechanics).

Kaya tara na! Huwag hayaang manatiling kalat ang mga basura. Sa simpleng pagpulot at tamang pagtatapon, may premyo ka na, nakatulong ka pa sa pagpapanatili ng kalinisan ng ating kapaligiran.

Dahil sa Pawikapalit, ang basurang napupulot ay nagiging ambag sa pangangalaga ng ating kalikasan at pawikan!

Bisitahin ang aming booth sa beach area ng Pawikan Conservation Center sa November 27!

SAVE THE PAWIKAN, YES WE CAN!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Other Articles