Suporta para sa Balik-Eskwela ng mga Mag-aaral ng Bahay-Wika

Ngayong ika-17 ng Hulyo 2026, isinagawa ng Provincial Tourism Office ang pamamahagi ng mga bag at t-shirt sa mga mag-aaral ng Bahay-Wika bilang bahagi ng patuloy nitong suporta sa programa at sa aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral sa mga gawaing pangwika at pangkultura. Ang mga kagamitang ito ay magsisilbing suporta sa kanilang pang-araw-araw na pagpasok sa Bahay-Wika at magsusulong ng pagkakakilanlan at pagmamalaki bilang mga mag-aaral ng programa.
Higit pa rito, layunin ng inisyatibong ito na mahikayat ang mga magulang na patuloy na suportahan ang pagdalo ng kanilang mga anak sa Bahay-Wika at mapalakas ang kanilang pagpapahalaga sa wika at kulturang Ayta Magbukun.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Other Articles