#1Bataan #2023 #2024 #2025 #Abucay #ArawNgKagitingan #ArawNgKalayaan #ATOP #ATTheBunker #Bataan #BataanFoundationDay #BataanTourismCenter #BataanTourismPark #BeholdBataan #BinibiningPilipinas #BiodiversityDay #BTNAssociation #BuwanNgPamana #Christmas #CityofBalanga #DairyQueen #EaseOfDoingBusinessMonth #HappyBirthday #HappyFathersDay #HolyWeek #JobFair #LovethePhilippines #Morong #MtSamat #NationalFlagDays #NationalHeritageMonth #NayongPilipinoFoundation #Orani #Pawikan #PawikanFestival #PesoBataan #ProtectNature #SMCityBataan #TheBeanery #Tourism #TourismSummit #TradeFair #WorldEnvironmentDay DOTAccreditedMabuhayAccommodation FilipinoFoodMonth

  • Buwan ng Pambansang Pamana 2025: Kapitolyo sa kasaysayang pampulitika ng bansa — mga unang nalagakan ng panandang pangkasaysayan

    Buwan ng Pambansang Pamana 2025: Kapitolyo sa kasaysayang pampulitika ng bansa — mga unang nalagakan ng panandang pangkasaysayan

    Buwan ng Pambansang Pamana 2025: Kapitolyo sa kasaysayang pampulitika ng bansa — mga unang nalagakan ng panandang pangkasaysayan

    Sa pagwawakas ng Buwan ng Pambansang Pamana, tampok sa seryeng ito ang mga unang Kapitolyo ng mga lalawigan na kinilala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas (NHCP) sa pamamagitan ng mga panandang pangkasaysayan o pahayag bilang Pambansang Palatandaang Makasaysayan. Sa lente ng kasaysayang pampulitika, ang mga Kapitolyo ay hindi lamang gusali kundi espasyo ng pamumuno at kapangyarihan, na nagsilbing sentro ng kolonyal, rebolusyonaryo, at republikang pamahalaan sa mga lalawigan.

    Mula sa panunungkulan ng mga alkalde mayor, gobernador sibil, at mga lider ng rebolusyon, hanggang sa muling pagtatatag ng demokrasya pagkatapos ng digmaan—ang mga istrukturang ito ay tahimik na saksi sa mahahalagang yugto ng pamahalaang Pilipino.
    Ang mga larawang tampok sa serye na ito ay nagpapakita ng sampung makasaysayang gusaling Kapitolyo (o probisyunaryo) na unang kinilala ng Komisyon bilang mahalagang bahagi ng kasaysayang pampamahalaan ng bansa.

    kapitolyo ng bataan

    1. Kapitolyo ng Bataan

    Orihinal na itinayo bilang Casa Real ng Bataan sa ilalim ni Alcalde Mayor Domingo de Goyenchea mula 1792 hanggang 1794. Nasira ito sa mga lindol noong 1852 at 1854, at isinailalim sa mga pagsasaayos noong 1854, 1869, 1880, at 1885. Mula Mayo 31, 1898 hanggang Enero 1900, nagsilbi itong punong-tanggapan ng Rebolusyonaryong Pamahalaan ng Bataan. Mula 1903 hanggang 1906, naging tahanan din ito ng Mataas na Paaralang Panlalawigan.


    kapitolyo ng zambales

    2. Kapitolyo ng Zambales

    Itinayo ng Pamahalaang Kolonyal ng Espanya mula 1875 hanggang 1878, ang gusali ay orihinal na ginamit bilang Panlalawigang Piitan noong panahon ng mga Kastila. Noong 1899, ito ay naging Pangkalahatang Himpilan ng Rebolusyonaryong Pamahalaan ng Zambales. Matapos ang muling pagsasaayos ng harapan ng gusali noong 1939, nagsilbi na itong opisyal na Kapitolyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales.


    price mansion tacloban

    3. Price Mansion, Tacloban

    Itinayo noong 1910, ang gusali ay dating pag-aari ni G. Walter S. Price at ng kanyang asawa. Sa panahon ng Kampanya sa Pilipinas ng Allied Forces noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ito ay pansamantalang ginamit bilang Kapitolyo ng Philippine Commonwealth mula Oktubre 20 hanggang 23, 1944. Naiwasan ni Heneral Douglas MacArthur ang matinding pinsala nang tamaan ng bombang Hapon ang bubong ng silid na kanyang tinutuluyan noong Oktubre 20, 1944.


    kapitolyo ng leyte

    4. Kapitolyo ng Leyte

    Ang Panlalawigang Kapitolyo ng Leyte ang nagsilbing punong tanggapan ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas mula Oktubre 23, 1944 hanggang Pebrero 27, 1945. Noong Oktubre 23, 1944, nanumpa si dating Pangalawang Pangulo Sergio Osmeña bilang Pangulo ng Philippine Commonwealth sa hagdanan ng gusali sa harap ni Heneral Douglas MacArthur, na sinaksihan ng mga miyembro ng Gabinete, puwersa ng Allied Forces, at mga bagong layang Pilipino.


    kapitolyo ng quezon tayabas

    5. Kapitolyo ng Quezon (Tayabas)

    Itinayo bilang Kapitolyo ng Tayabas noong 1908 sa lupang ipinagkaloob ni Abogado Filemon E. Perez. Ginawang konkreto ang gusali alinsunod sa Public Act No. 1637. Pinalawak ito mula 1930 hanggang 1935 sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Maximo Rodriguez. Nasira ang gusali noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at naipagawa muli sa bisa ng Tydings Act noong Abril 30, 1946. Sa bisa ng Republic Act No. 14, pinangalanan itong Quezon Provincial Capitol noong Setyembre 7, 1946.


    kapitolyo ng negros occidental

    6. Kapitolyo ng Negros Occidental

    Ang orihinal na Kapitolyo ng Negros Occidental ay nasa lumang bahay na ipinagkaloob ni Jose Ruiz de Luzuriaga sa kanto ng Daang Luzuriaga at Araneta. Ang kasalukuyang gusali ay dinisenyo ni Arkitekto Juan Arellano noong 1927 at natapos noong 1933 sa ilalim ni Gobernador Jose Locsin. Itinuturing itong mahalagang halimbawa ng gusaling pampamahalaan at arkitektura noong unang bahagi ng ika-20 siglo sa panahon ng mga Amerikano. Ipinahayag itong Pambansang Palatandaang Makasaysayan noong Hulyo 19, 2004.


    kapitolyo ng cebu

    7. Kapitolyo ng Cebu

    Ang dating Kapitolyo ng Cebu ay matatagpuan sa harap ng kasalukuyang Plaza Independencia. Nasakop ito ng mga rebolusyonaryong Pilipino noong 1898 at ng mga puwersang Amerikano noong 1899. Ang kasalukuyang gusali ay dinisenyo ni Juan Arellano at itinayo noong Disyembre 1936. Pinasinayaan ito ni Pangulong Manuel L. Quezon noong Hunyo 14, 1938. Isang halimbawa ito ng gusaling pampamahalaan mula sa panahon ng Komonwelt. Idineklara itong Pambansang Palatandaang Pangkasaysayan noong Hunyo 9, 2008.


    casa real ng iloilo

    8. Casa Real ng Iloilo

    Ang Casa Real ng Iloilo ay itinayo noong panahon ng mga Kastila, yari sa kahoy at bato. Naging Kapitolyo ito nang maitatag ang Pamahalaang Sibil ng Iloilo noong Abril 11, 1901, sa ilalim ni Gobernador Martin T. Delgado (1901–1904). Ginamit ito ng mga Hapones mula 1942 hanggang 1945. Naayos ang ilang bahagi ng gusali noong dekada 1960. Nasunog ito noong Nobyembre 4, 1998 at muling naipagawa. Mula 1901 hanggang 2001, naging sentro ito ng pamahalaang panlalawigan ng Iloilo.


    kapitolyo ng ilocos norte

    9. Kapitolyo ng Ilocos Norte

    Ang Kapitolyo ng Ilocos Norte ay dinisenyo ni Ralph Harrington Doane at itinayo mula 1917 hanggang 1925 sa pangangasiwa nina Jose Paez at Tomas Mapua. Noong Disyembre 12, 1941, dumating ang mga Hapones sa Laoag, dahilan upang lumikas si Gobernador Roque Ablan at ituloy ang pamahalaan sa kabundukan ng Maananteng, Solsona. Pinalaya ang Laoag ng 15th Infantry Regiment ng United States Army Forces in the Philippines–Northern Luzon noong Pebrero 13, 1945. Isinaayos ang gusali noong 1957 at pinasinayaan ito ni Pangulong Carlos P. Garcia noong Disyembre 27, 1958. Inilagay ang marker bilang bahagi ng ika-200 anibersaryo ng Ilocos Norte (1818–2018).


    kapitolyo ng sorsogon

    10. Kapitolyo ng Sorsogon

    Noong 1902, ang tahanan ng angkang De Vera ang nagsilbing pansamantalang opisina ni Gobernador Bernardino Monreal. Itinayo ang Kapitolyo ng Sorsogon mula 1915 hanggang 1917 sa ilalim ni Gobernador Victor Eco, kasabay ng gusaling hukuman at panlalawigang piitan. Pinamahalaan ito nina Arkitekto George Fenhagen at Ralph H. Doane.

    Other Articles

    • SM Supermalls powers convenient EV travel this Holy Week Plug in to Over 160 EV charging stations across SM Malls nationwide

      As the Holy Week travel season arrives, and fuel prices continue to rise, electric vehicle (EV) drivers across the country can count on their most-loved SM Supermalls as a convenient recharging stop along their journey. SM Cares, the corporate social responsibility arm of SM Supermalls, announced that with over 160 EV charging stations available across

      Read more

    • Holy Wednesday

      On this day, we remember how Judas Iscariot made a choice that led to betrayal. He approached the chief priests and agreed to betray Jesus for thirty pieces of silver. From that moment, his heart was set on finding an opportunity to act on that choice.Holy Wednesday reminds us to examine our own hearts. Are

      Read more

    • Pagbati sa mga Nagsipagtapos sa Bahay Wika

      Taos-puso po nating binabati ang labintatlong (13) kabataang Ayta Magbukun na nagsipagtapos mula sa Bahay Wika sa Barangay Bangkal sa Abucay kung saan patuloy na itinuturo at pinayayaman ang kanilang katutubong wika. Pagbati rin po sa anim (6) na nagtapos mula sa Master-Apprentice Language Learning Program na siyang inaasahang maghahanda at huhubog sa susunod pang

      Read more

    • Join in on Central Luzon’s Filipino Food Month festivities

      April is Filipino Food Month, and Central Luzon is cooking something up! Themed “Connected by Taste: The Filipino Food in the Flavors of ASEAN,” FFM 2026 celebrates local cuisine and its ability to intertwine cultures and stories across the region. Don’t miss out on the fun. Join in on Central Luzon’s Filipino Food Month festivities.

      Read more

    • Mga Abo ng Nakaraan

      Sa paggunita ng ika-84 na Araw ng Kagitingan, muling binubuhay ng Tatsulok at Bataan Tourism Office ang dalawang kwentong sumasalamin sa tapang at alaala ng Bataan.🎭 Isang Umaga sa Plaza🎭 Lipistik at PulburaDalawang dula.Dalawang mukha ng kabayanihan, mula sa tahimik na sakripisyo hanggang sa matapang na paninindigan.Muli nating balikan ang kasaysayan.Hindi lang bilang alaala, kundi

      Read more

    • APCAS Tourism Students Complete FBSE Seminar with Hands-On MICE Training

      The Provincial Tourism Office, in partnership with the Department of Tourism (DOT), concluded the Filipino Brand of Service Excellence (FBSE) Seminar for 71 tourism students from Asia Pacific College of Advanced Studies (APCAS) on March 26, 2026. Guided by FBSE Trainer and Resource Speaker Leslie Jorge-Acain, DBA, the students strengthened their service excellence skills while

      Read more

    • Kagitingan Trade fair

      Sa ating paggunita sa Araw ng Kagitingan, muli po nating binibigyang pugay ang katapangan at di matatawarang sakripisyo ng ating mga bayani ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kaugnay nito, magkakaroon po ng Kagitingan Trade Fair tampok ang iba’t ibang lokal na produkto at likhang-kamay ng ating mga kapwa Bataeno. Gaganapin ang trade fair sa Plaza Mayor

      Read more

    • Bataan Earns Recognition at TRES Awards 2025

      The Province of Bataan, through the Provincial Tourism Office, proudly received multiple recognitions at the Tourism Recognition for Enterprises and Stakeholders (TRES) Awards 2025, held on March 27, 2026, at the Premier Ballroom of Best Western Plus Metro Clark. The annual event celebrates the outstanding contributions of tourism stakeholders across Central Luzon. This year, Bataan

      Read more

    • SM celebrates Women’s Month by moving conversation into meaningful action

      In line with the theme “Rights. Justice. Action. For ALL Women and Girls” SM Supermalls celebrated Women’s Month 2026 through a series of collaborative initiatives that sought to elevate conversations on matters that affect women into meaningful actions. Through its Corporate Social Responsibility arm, SM Cares, and in partnership with United Nations Philippines, the Philippine

      Read more

    • SM Stands ALL for Down: All SM Malls Unite Nationwide for World Down Syndrome Day

      In celebration of World Down Syndrome Day (March 21), SM mounted a unified, nationwide activation through its Corporate Social Responsibility arm, SM Cares. The activation reaffirms SM’s long-standing commitment to becoming a truly inclusive Mall for All where every individual is welcomed, respected, and valued. Observed every 3/21 to symbolize the triplication of the 21st

      Read more