Buwan ng Pambansang Pamana 2025: Kapitolyo sa kasaysayang pampulitika ng bansa — mga unang nalagakan ng panandang pangkasaysayan

Sa pagwawakas ng Buwan ng Pambansang Pamana, tampok sa seryeng ito ang mga unang Kapitolyo ng mga lalawigan na kinilala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas (NHCP) sa pamamagitan ng mga panandang pangkasaysayan o pahayag bilang Pambansang Palatandaang Makasaysayan. Sa lente ng kasaysayang pampulitika, ang mga Kapitolyo ay hindi lamang gusali kundi espasyo ng pamumuno at kapangyarihan, na nagsilbing sentro ng kolonyal, rebolusyonaryo, at republikang pamahalaan sa mga lalawigan.

Mula sa panunungkulan ng mga alkalde mayor, gobernador sibil, at mga lider ng rebolusyon, hanggang sa muling pagtatatag ng demokrasya pagkatapos ng digmaan—ang mga istrukturang ito ay tahimik na saksi sa mahahalagang yugto ng pamahalaang Pilipino.
Ang mga larawang tampok sa serye na ito ay nagpapakita ng sampung makasaysayang gusaling Kapitolyo (o probisyunaryo) na unang kinilala ng Komisyon bilang mahalagang bahagi ng kasaysayang pampamahalaan ng bansa.

kapitolyo ng bataan

1. Kapitolyo ng Bataan

Orihinal na itinayo bilang Casa Real ng Bataan sa ilalim ni Alcalde Mayor Domingo de Goyenchea mula 1792 hanggang 1794. Nasira ito sa mga lindol noong 1852 at 1854, at isinailalim sa mga pagsasaayos noong 1854, 1869, 1880, at 1885. Mula Mayo 31, 1898 hanggang Enero 1900, nagsilbi itong punong-tanggapan ng Rebolusyonaryong Pamahalaan ng Bataan. Mula 1903 hanggang 1906, naging tahanan din ito ng Mataas na Paaralang Panlalawigan.


kapitolyo ng zambales

2. Kapitolyo ng Zambales

Itinayo ng Pamahalaang Kolonyal ng Espanya mula 1875 hanggang 1878, ang gusali ay orihinal na ginamit bilang Panlalawigang Piitan noong panahon ng mga Kastila. Noong 1899, ito ay naging Pangkalahatang Himpilan ng Rebolusyonaryong Pamahalaan ng Zambales. Matapos ang muling pagsasaayos ng harapan ng gusali noong 1939, nagsilbi na itong opisyal na Kapitolyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales.


price mansion tacloban

3. Price Mansion, Tacloban

Itinayo noong 1910, ang gusali ay dating pag-aari ni G. Walter S. Price at ng kanyang asawa. Sa panahon ng Kampanya sa Pilipinas ng Allied Forces noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ito ay pansamantalang ginamit bilang Kapitolyo ng Philippine Commonwealth mula Oktubre 20 hanggang 23, 1944. Naiwasan ni Heneral Douglas MacArthur ang matinding pinsala nang tamaan ng bombang Hapon ang bubong ng silid na kanyang tinutuluyan noong Oktubre 20, 1944.


kapitolyo ng leyte

4. Kapitolyo ng Leyte

Ang Panlalawigang Kapitolyo ng Leyte ang nagsilbing punong tanggapan ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas mula Oktubre 23, 1944 hanggang Pebrero 27, 1945. Noong Oktubre 23, 1944, nanumpa si dating Pangalawang Pangulo Sergio Osmeña bilang Pangulo ng Philippine Commonwealth sa hagdanan ng gusali sa harap ni Heneral Douglas MacArthur, na sinaksihan ng mga miyembro ng Gabinete, puwersa ng Allied Forces, at mga bagong layang Pilipino.


kapitolyo ng quezon tayabas

5. Kapitolyo ng Quezon (Tayabas)

Itinayo bilang Kapitolyo ng Tayabas noong 1908 sa lupang ipinagkaloob ni Abogado Filemon E. Perez. Ginawang konkreto ang gusali alinsunod sa Public Act No. 1637. Pinalawak ito mula 1930 hanggang 1935 sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Maximo Rodriguez. Nasira ang gusali noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at naipagawa muli sa bisa ng Tydings Act noong Abril 30, 1946. Sa bisa ng Republic Act No. 14, pinangalanan itong Quezon Provincial Capitol noong Setyembre 7, 1946.


kapitolyo ng negros occidental

6. Kapitolyo ng Negros Occidental

Ang orihinal na Kapitolyo ng Negros Occidental ay nasa lumang bahay na ipinagkaloob ni Jose Ruiz de Luzuriaga sa kanto ng Daang Luzuriaga at Araneta. Ang kasalukuyang gusali ay dinisenyo ni Arkitekto Juan Arellano noong 1927 at natapos noong 1933 sa ilalim ni Gobernador Jose Locsin. Itinuturing itong mahalagang halimbawa ng gusaling pampamahalaan at arkitektura noong unang bahagi ng ika-20 siglo sa panahon ng mga Amerikano. Ipinahayag itong Pambansang Palatandaang Makasaysayan noong Hulyo 19, 2004.


kapitolyo ng cebu

7. Kapitolyo ng Cebu

Ang dating Kapitolyo ng Cebu ay matatagpuan sa harap ng kasalukuyang Plaza Independencia. Nasakop ito ng mga rebolusyonaryong Pilipino noong 1898 at ng mga puwersang Amerikano noong 1899. Ang kasalukuyang gusali ay dinisenyo ni Juan Arellano at itinayo noong Disyembre 1936. Pinasinayaan ito ni Pangulong Manuel L. Quezon noong Hunyo 14, 1938. Isang halimbawa ito ng gusaling pampamahalaan mula sa panahon ng Komonwelt. Idineklara itong Pambansang Palatandaang Pangkasaysayan noong Hunyo 9, 2008.


casa real ng iloilo

8. Casa Real ng Iloilo

Ang Casa Real ng Iloilo ay itinayo noong panahon ng mga Kastila, yari sa kahoy at bato. Naging Kapitolyo ito nang maitatag ang Pamahalaang Sibil ng Iloilo noong Abril 11, 1901, sa ilalim ni Gobernador Martin T. Delgado (1901–1904). Ginamit ito ng mga Hapones mula 1942 hanggang 1945. Naayos ang ilang bahagi ng gusali noong dekada 1960. Nasunog ito noong Nobyembre 4, 1998 at muling naipagawa. Mula 1901 hanggang 2001, naging sentro ito ng pamahalaang panlalawigan ng Iloilo.


kapitolyo ng ilocos norte

9. Kapitolyo ng Ilocos Norte

Ang Kapitolyo ng Ilocos Norte ay dinisenyo ni Ralph Harrington Doane at itinayo mula 1917 hanggang 1925 sa pangangasiwa nina Jose Paez at Tomas Mapua. Noong Disyembre 12, 1941, dumating ang mga Hapones sa Laoag, dahilan upang lumikas si Gobernador Roque Ablan at ituloy ang pamahalaan sa kabundukan ng Maananteng, Solsona. Pinalaya ang Laoag ng 15th Infantry Regiment ng United States Army Forces in the Philippines–Northern Luzon noong Pebrero 13, 1945. Isinaayos ang gusali noong 1957 at pinasinayaan ito ni Pangulong Carlos P. Garcia noong Disyembre 27, 1958. Inilagay ang marker bilang bahagi ng ika-200 anibersaryo ng Ilocos Norte (1818–2018).


kapitolyo ng sorsogon

10. Kapitolyo ng Sorsogon

Noong 1902, ang tahanan ng angkang De Vera ang nagsilbing pansamantalang opisina ni Gobernador Bernardino Monreal. Itinayo ang Kapitolyo ng Sorsogon mula 1915 hanggang 1917 sa ilalim ni Gobernador Victor Eco, kasabay ng gusaling hukuman at panlalawigang piitan. Pinamahalaan ito nina Arkitekto George Fenhagen at Ralph H. Doane.

Other Articles

  • Pagdiriwang ng Buwan ng Kalutong Filipino

    Pagdiriwang ng Buwan ng Kalutong Filipino Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kalutong Filipino, matagumpay na isinagawa ng Provincial Tourism Office ng Bataan ang KAINCON (Kain Convention) noong Abril 25, 2025.Lumahok dito ang mga college students mula sa iba’t ibang paaralan sa lalawigan, at pinalalim nila ang kanilang kaalaman sa pamamagitan ng mga aral…

    Read more

  • Food Trip Vlog Competition!

    Food Trip Vlog Competition! Binabati namin ang mga nagwagi sa Food Trip Vlog Competition! Saludo kami sa inyo, hindi lang sa galing ninyong mag-edit at magkuwento, kundi sa pagpapakita ng sarap at ganda ng pagkaing Pilipino, lalo na ng Lutong Bataeño. Sa bawat kuha at kwento sa inyong vlog, naipakilala ninyo ang mga paboritong kainan…

    Read more

  • Kultura sa Kusina: Lutong Bataeño!

    Kultura sa Kusina: Lutong Bataeño! Isang mainit na pagbati sa mga nagwagi sa Kultura sa Kusina: Lutong Bataeño! Ipinamalas ninyo hindi lang ang galing sa pagluluto, kundi pati ang pagmamahal sa sariling kultura at tradisyon. Sa bawat lutong inihain, ramdam ang kuwento ng pamilyang Pilipino, mga pagkaing pinasa mula henerasyon hanggang sa ngayon. Maraming salamat…

    Read more

  • Labor Day Job Fair

    Labor Day Job Fair Ipagdiwang ang Araw ng Paggawa kasama kami! Inaanyayahan ang lahat na makilahok sa Labor Day Job Fair sa darating na Mayo 1, 2025 sa Bataan People’s Center na may temang:“Manggagawang Pilipino, Kaagapay sa Pag-unlad, Sandigan ng Mas Matatag na Bagong Pilipinas.” Halina’t maghanap ng trabaho, magtagumpay, at makibahagi sa pag-asenso ng…

    Read more

  • Food Talks Tasting Menu

    Food Talks Tasting Menu It’s a feast for the senses. Buckle up, fellow foodies—Food Talks 2025: Global. Gastronomy. Goodwill. is dishing out the tastiest food pairs from all across Central Luzon. Your taste buds are in for a wild ride! 𝗔𝘂𝗿𝗼𝗿𝗮 🥥 kicks things off with Alak at Pulutan and the classic combo of Suman…

    Read more

  • Filipino food month

    Filipino Food Month Magkita-kita tayo bukas, Abril 25, 2025, sa Bataan Tourism Pavilion, Lungsod ng Balanga para sa isang makulay at masarap na pagdiriwang ng Buwan ng Kalutong Filipino! Abangan ang pag-aanunsyo ng mga magwawagi sa ating mga patimpalak na Food Trip Vlog Competition at Kultura sa Kusina. Magkakaroon din ng mga panauhing tagapagsalita na…

    Read more

  • Hataw Takbo Bataan – Pawsm Edition

    𝗛ataw 𝗧akbo 𝗕ataan – 𝗣awsm 𝗘dition Maraming salamat po sa lahat ng furparents na nakiisa at nakibahagi sa ating Hataw Takbo Bataan – PawSM Edition na ginanap noong ika-11 ng Enero bilang bahagi ng selebrasyon ng 268th Bataan Foundation Day, sa SM City Bataan. Sa kabuuan, mayroong 283 furparents at kanilang mga furbabies ang nagrehistro…

    Read more

  • Opisyal na Sagisag ng Lalawigan ng Bataan

    Opisyal na Sagisag ng Lalawigan ng Bataan Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-268 taong pagkakatatag ng Bataan bilang isang lalawigan, nais namin ibahagi sa inyo ang opisyal na sagisag ng Bataan at ang kahulugan ng simbolo nito. Ang sagisag ng lalawigan ng Bataan ay isang simbolo ng kabayanihan at tapang, na naglalarawan ng hindi matitinag…

    Read more

  • Karera ng 1Bataan

    Opisyal nang binubuksan ang pagrehistro para sa Karera ng 1Bataan! Magparehistro na! I-scan ang QR code na nasa larawan o magparehistro sa link na ito:https://tinyurl.com/KareraNg1Bataan2025Paalala: Tanging labinlimang (15) pares lamang ang maaaring lumahok, kaya’t magmadali at huwag palampasin ang pagkakataon! Tara na, sali na, at ipakita ang diwa ng lakas, talino, at pagkakaisa sa selebrasyon…

    Read more

  • 268th Bataan Foundation Day Raffle

    268th Bataan Foundation Day Raffle Author : Admin | Date : | views Gusto mo bang manalo ng brand new 𝗕𝗲𝘀𝘁𝘂𝗻𝗲 𝗡𝗔𝗧 𝗘𝗢𝟱 𝟮𝟬𝟮𝟰 na may kasamang free TNVS Application? Kasama ito sa nakalaang 𝟮𝟲𝟴 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙥𝙧𝙚𝙢𝙮𝙤 𝙩𝙪𝙡𝙖𝙙 𝙣𝙜 𝙀-𝙗𝙞𝙠𝙚𝙨, 𝙎𝙢𝙖𝙧𝙩 𝙏𝙑𝙨, 𝙖𝙩 𝙞𝙗𝙖 𝙥𝙖 𝙨𝙖 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙧𝙖𝙛𝙛𝙡𝙚 𝙛𝙤𝙧 𝙖 𝙘𝙖𝙪𝙨𝙚 𝙠𝙖𝙪𝙜𝙣𝙖𝙮 𝙣𝙜 268𝙩𝙝 𝘽𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣…

    Read more