DAYAW 2026 | Ipagdiwang ang Buwan ng Mga Katutubo!
Ngayong Oktubre, ating ipinagdiriwang ang pagkamalikhain, mga kaalaman, at pagiging matatag ng mga katutubong komunidad sa bansa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Katutubo, alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1906 na nilagdaan noong 2009.
Higit dalawandaang mga katutubo, cultural bearers, artists, mga guro at akademiko, kabataan, at kinatawan ng mga komunidad mula sa 41 clusters ang magsasama-sama sa Dayaw 2026 na gaganapin mula ika-13 hanggang ika-15 ng Oktubre, sa Foro de Intramuros Manila.
Sa temang “Pagkamalikhain ng Katutubong Filipino: Pinagtibay ng mga Pagsubok, Umaalab ang Bagong Pag-Asa” (Creativity of Indigenous Filipinos: Strengthened by Challenges, Igniting New Hope), layunin ng Dayaw na ipakita kung paanong patuloy na humuhugot ng lakas ang mga pamayanang kultural sa kanilang mga tradisyon, kaalaman, at malikhaing gawain sa kabila ng mga hamong panlipunan, pang-ekonomiko, politikal, at pangkapaligiran.
Tampok sa pagdiriwang ang mga programa para sa pagpapalitan ng kultura at kaalaman, kabilang ang:
Gawad sa Gabay ng Katutubo
IP Forums na nakatuon sa edukasyon, kalusugan, at kalikasan
Demo ng sayaw, paghahabi, at iba pang katutubong likhang-kamay
Kalutong katutubo
Kultural na pagtatanghal
Epiko at iba pang oral traditions
Ethnomedicine at iba pang kaalamang katutubo indigenous knowledge
Exhibitions at iba pang indigenous creative expressions
Higit pa sa isang pagdiriwang, ang Dayaw ay espasyo upang marinig ang boses ng mga katutubo – isang espasyo para dinggin ang kanilang hinaing, ipakilala ang kanilang mga realidad, ipalaganap ang mga kuwento ng pag-asa sa gitna ng hamon ng makabagong panahon.
Bilang pagkilala sa mga katutubong komunidad, patuloy tayong gumawa ng mga espasyong nagpapayabong sa mga pamanang kultural at kung saan maaaring umalab ang bagong pag-asa.

Other Articles
-
DAYAW 2026 | Ipagdiwang ang Buwan ng Mga Katutubo!
Ngayong Oktubre, ating ipinagdiriwang ang pagkamalikhain, mga kaalaman, at pagiging matatag ng mga katutubong komunidad sa bansa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Katutubo, alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1906 na nilagdaan noong 2009. Higit dalawandaang mga katutubo, cultural bearers, artists, mga guro at akademiko, kabataan, at kinatawan ng mga komunidad mula sa 41…
-
The four-day Standard First Aid and Basic Life Support Training concluded on October 1, 2026
The four-day Standard First Aid and Basic Life Support Training concluded on October 1, 2026, at the Bataan Tourism Pavilion, Balanga City, Bataan. On its final day, participants took part in Simulation Exercises and Return Demonstrations, allowing them to apply the knowledge and techniques gained throughout the training in simulated emergency scenarios. Through these hands-on…
-
Day 3 | 3-Day Housekeeping Services Training Program
The 3-Day Housekeeping Services Training Program officially concluded on September 30, 2026 at the Bataan Tourism Pavilion, City of Balanga, marking three days of learning, skills development, and professional growth for the participants. On its final day, participants began with a review of the key lessons from Day 2 before moving on to Guest Relations…
-
The Standard First Aid and Basic Life Support Training continued on September 30, 2026
Moving into its third day, the Standard First Aid and Basic Life Support Training continued on September 30, 2026, at the Pavilion Tourism, Balanga City, Bataan, with tourism establishments and tour guides taking part in another full day of first-aid learning and practice. The session covered a range of medical and environmental emergencies, including breathing…
-
Step inside the Minor Basilica of Our Lady of the Most Holy Rosary of Orani
Step inside the Minor Basilica of Our Lady of the Most Holy Rosary of Orani and discover centuries of faith from a 1737 gravestone and beautiful stained-glass windows to hand-painted Rosary Mysteries, local artistry, and sacred symbols of the Basilica. At its heart is the Miraculous Virgen, where generations of devotees have gathered to pray,…
-
92,782 visitors in 3 days!
Maraming salamat sa lahat ng nakisaya, nakituklas, at naging bahagi ng TUKLAS Bataan 2026! From September 25 to 27, we celebrated our culture, tourism, creativity, and the amazing people who make Bataan worth discovering. From the booths, performances, exhibits, local products, hanggang sa mga kwentuhan at bagong experiences, naging mas espesyal ang TUKLAS Bataan dahil…
-
Day 2 | 3-Day Housekeeping Services Training Program
The 3-Day Housekeeping Services Training Program continued with Day 2 on September 29, 2026, at the Bataan Tourism Pavilion, City of Balanga, focusing on guest room cleaning and essential housekeeping skills. The day began with a quick review of the lessons and key takeaways from Day 1 before proceeding to guest room cleaning and servicing…
-
The Standard First Aid and Basic Life Support Training
The Standard First Aid and Basic Life Support Training continued on September 29, 2026, at the Pavilion Tourism, Balanga City, Bataan, with a total of 34 participants from various tourism establishments and tour guides across the province. Day 2 focused on the fundamentals of first aid, covering the Introduction to First Aid and the Steps…
-
Good Food on the Go at SM
Craving for a delicious Filipino merienda while on the go? Whether you’re waiting for a jeepney or bus, or simply looking for something tasty to enjoy, SM City Bataan Terminal now has new flavors waiting for you! Newly opened at the terminal are Juan Binatog and Vina’s Ilocos Empanada bringing beloved Filipino favorites that are…
-
Tuklas Bataan Tourism Expo 2026
Maraming salamat po sa lahat nang nakiisa at nakibahagi sa tatlong araw na TUKLAS Bataan: Tourism Expo 2026, na ginanap mula ika-25 hanggang ika-27 ng Setyembre sa SM City Bataan. Taos-puso rin po nating pinasasalamatan ang mga nangasiwa maging ang ating mga katuwang mula sa mga pampublikong tanggapan at pribadong sektor, na naging bahagi ng…






































































































































Leave a Reply