Paggunita sa Ika-84 na Anibersaryo ng Araw ng Kagitingan
Ginunita ngayong ika-9 ng Abril 2026 sa Mt. Samat National Shrine sa Pilar, Bataan ang ika-84 na anibersaryo ng Araw ng Kagitingan, sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bilang pag-alala sa kabayanihan at sakripisyong ipinamalas ng mga sundalo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang seremonya ay nagsilbing pagpupugay sa katatagan at walang kapantay na tapang ng mga bayani ng Bataan na nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng bansa. Dinaluhan ito ng mga opisyal ng pamahalaan, mga beterano, at iba’t ibang sektor, kasama rin ang mga kinatawan mula sa Japan at United States of America bilang bahagi ng makasaysayang paggunita. Higit pa sa isang paggunita, binigyang-diin sa programa ang kahalagahan ng pagpapanatili ng diwa ng kagitingan sa pang-araw-araw na pamumuhay sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at kahandaang magsakripisyo para sa kapakanan ng nakararami.
Ipinapaabot din ang taos-pusong pasasalamat sa mga beterano at kanilang mga pamilya sa kanilang mahalagang ambag sa kalayaan na tinatamasa ng bansa sa kasalukuyan. Ang kanilang katapangan ay patuloy na magsisilbing inspirasyon sa bawat Pilipino. Mabuhay ang mga beterano! Mabuhay ang Bataan! Mabuhay ang Pilipinas!










Other Articles
-
Gabi ng Musika, Tagumpay at Selebrasyon – Day 1 Concert
Maraming salamat po sa lahat nang nakising-along, nakiparty, nakiisa at tumulong sa ating Gabi ng Musika bilang bahagi nang pagdiriwang ng 269th Bataan Foundation Day at 25th Cityhood Anniversary ng Lungsod ng Balanga kung saan nakasama natin sina TJ Monterde, KZ Tandingan, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Erik Santos, Jason Dy, Sam Milby at Kyla, sa…
-
LGU PERFORMANCES
Mas lalo pong naging masaya at makulay ang pagdiriwang ng 269th Bataan Foundation Day dahil sa mga ipinamalas na talento ng bawat bayan bilang bahagi ng Kasayahan sa Kapitolyo (LGU Performances).Maraming salamat po sa lahat ng mga nagtanghal at nagbahagi ng kanilang husay. Tunay po na ang bawat Bataeño ay may natatanging talento na dapat…
-
Pagbibigay Lektura Para Sa Kasaysayan Ng Bataan
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-269 Bataan Foundation Day, inaanyayahan ang publiko sa Bataan History Symposium, isang makabuluhang pagtitipon na naglalayong balikan, unawain, at ipagmalaki ang kasaysayan ng ating lalawigan.Tampok sa programa ang lektura ni Cornelio R. Bascara, Ph.D. mula sa University of Santo Tomas Graduate School of Arts and Letters, na magbibigay ng mas…
-
One Free Ticket para sa 269th Bataan Foundation Day Raffle
Bibigyan po ang lahat ng may Bataeño Pass account ng isang libreng ticket para sa 269th Bataan Foundation Day Raffle kung saan maaaring manalo ng BYD eMAX 7, iPhone 16e, Smart TV, at iba pang mga gadgets at appliances.Sundin lamang po ang nasa larawan para makuha ang inyong libreng ticket hanggang ika-23 ng Enero. Sa…
-
Makisaya sa pagdiriwang ng Ika-269 Na Anibersaryo Ng Bataan Foundation Day!
Bukas, ika-9 ng Enero, na ang pagsisimula ng ating makabuluhan at masayang pagdiriwang ng pagkakatatag ng ating lalawigan. Pinaghandaan po ng ating pamahalaan ang iba’t-ibang activities hanggang ika-11 ng Enero na tiyak na magbibigay-saya at inspirasyon sa bawat Bataeño. Inaanyayahan po po ang bawat pamilyang Bataeño na makiisa at makisaya upang sama-sama nating gunitain at…
-
Get ready to shop, explore, and enjoy as the Christmas Bazaar opens its doors from December 1–3, 2025 at the Bataan Tourism Park, City of Balanga.
Discover a variety of local products, handmade crafts, and unique gift ideas from our amazing homegrown sellers. It’s the perfect chance to support small businesses while getting into the Christmas spirit. See you at the bazaar! Other Articles Come and Join us FOLLOW US ON
-
Feel the Christmas spirit, Bataeños!
Join us as we welcome the holiday season with the Lighting Ceremony & Concert at the Park this December 1, 2025, at the Bataan Tourism Park, City of Balanga at 6:00 PM. Enjoy festive performances from Koro Bangkal Magbikin, Jose de Piro Kabataang Orkestra, and BTN Pop, plus special guests who will make the night…
-
Christmas is in the air, Bataeños!
Get ready to welcome the most festive season of the year as we gather for our Christmas Bazaar, Christmas Lighting Ceremony, and Concert at the Park this December 1, 2025 at the Bataan Tourism Pavilion & Park, City of Balanga. From a thanksgiving mass, to a holiday bazaar, and a magical lighting ceremony with live…
-
Congratulations Municipality of Hermosa for winning Champion in the Pawikan Creative Dance Competition as part of the Pawikan Festival 2025 celebration
Other Articles Come and Join us FOLLOW US ON
-
Congratulations Municipality of Mariveles for winning 1st Runner-up in the Pawikan Creative Dance Competition as part of the Pawikan Festival 2025 celebration.
Other Articles Come and Join us FOLLOW US ON
Come and Join us

FOLLOW US ON













































Leave a Reply